Posts

Showing posts from October 9, 2020

DepEd, nag-sorry sa mga sablay na modules na kumakalat sa social media

Image
Kumakalat ngayon sa social media ang mga mali-maling learning modules na ginagamit ng mga estudyante sa distance learning. letrang “L” ay para sa salitang “rabbit” larawan ng kuwago (owl) pero ang nakasulat ay ostrich pagpili ng kulay sa larawan gayung black and white ang nakalagay pagpili ng ingay ng eroplano na wala naman sa pagpipilian Sinabi ng DepEd, hindi pa makumpirma kung sa kanila nga galing ang mali-maling modules na ito.  “Kasi ‘yung lahat ng pino-post sa social media, ang perception ng tao, kasalanan ni DepEd.  But may mga naa-identity kami na hindi naman sa amin,” sabi ni DepEd undersecretary Diosdado San Antonio. Pero sa kabila nito, humingi na rin ng paumanhin ang DepEd kaugnay sa mga sablay na modules. “Sincerest apologies sa mga na-o-offend o sumasama ang loob na hindi namin ito nape-perpekto.  Sa ngayon po talaga hindi pa operational ‘yung pinaka ideal naming quality assurance mechanism,” ayon kay San Antonio. Nakiusap naman ang DepEd sa mga nagpo-post ng mali na mod

Guro, aksidenteng naisama ang chat convo ng kanyng BF sa module na kanyang nai-print

Image
Naging viral ang isang larawan nang isang maling module na nai-print ng guro, dahil naglalaman ito ng chat conversation ng isang hindi pa nakikilalang guro at nang kasintahan nito.  Mababasa sa nasabing module ang mga salitang "I love you", "Ingat ka" at "Mauli na ako" Maraming mga netizen ang nag-react, dahil nakita nila itong "kilig moments" ngunit karamihan sa mga ito ay talagang natawa.  Ang iba naman ay nagsabi na napakaswerte ng guro dahil mayroon siyang "love life" habang sila'y wala.  Ang mga learning modules na idea ng DepEd ay naging bahagi na ng new normal na naging dahilan din ng pagkalito sa ilan, katatawanan at stress sa mga guro at mag-aaral. Maam sayop imo na print sa module 😭😭😭 :ctto Posted by Hugot Sa Gugma on  Wednesday, October 7, 2020

Batang lalaki nagwala sa dami ng kanyang sasagutang modules "pa, andami pa oh"

Image
Isang video ng isang batang lalaki na umiiyak, nagrereklamo habang sinasagot ang kanyang mga learning module, ay ibinahagi ng netizen na si Claudine Julia Salazar Quilab. Makikita ang batang lalaki na umiiyak, sumisigaw, at nagrereklamo sa sobrang dami umano ng kailangan niyang sagutan. Sinabi niya na hanggang alas-otso na si ng gabi sa pagsagot ng module at hindi na siya kakain. Maririnig ang kanyang ama na nagsasabing, kailangan mong tapusin ang mga ito, at sinabi pa, "Kung umiyak ka, may maidagdag ba ito sa iyong mga sagot?" Ang caption sa video ay: ano ka kastress sa module mo?  11 subjects/modules per week 🙂 P.S. may break time man siya, so kalma kamo 😂

Angel Locsin, bumuwelta sa mga bashers na nag body-shaming sa kanya

Image
"Katawan ko 'to. Ako 'to, sarili ko 'to. E, ikaw, okey ka ba?" Trending sa social media ngayon ang mga larawan ng kapamilya aktres na si Angel Locsin na kuha ng isang netizen sa isang simbahan sa Caloocan City. Kapansin-pansin sa larawan ang biglang paglobo ng katawan ng 35-taong-gulang na aktres habang nag-shoot para sa kanyang online program.  Maraming netizens at mga tagahanha ang nag-alala sa kalusugan ni Angel.  Subalit sa kabilang banda ay may ibang netizens naman na nang-bash sa pagbabago sa katawan ng aktres. Hindi na bago ang isyung ito para sa aktres, matatatandaang taong 2019 nang una siyang nakatanggap ng mga batikos parikular ang body-shaming. Hindi naman nagpatinag ang aktres sa bashers na panay ang batikos sa kanyang pangangatawan. Sa kanyang interview sa Tonight With Boy Abunda noong January 29, 2019 sinabi ni Angel, "Kung iisipin mo, parang maaawa ka na lang sa tao kasi anong klaseng person ka para magawa mo yun? Perfect? Perfect ka? Sobrang

Angel Locsin, pinaliwanag ang dahilan ng biglang paglobo ng kanyang katawan

Image
Nitong linggo, nag-trending  sa social media ang Kapamilya aktres na si Angel Locsin.  Kamakailan lamang nakita ang 35-taong-gulang na aktres sa isang simbahan sa Caloocan City habang nag-shoot para sa kanyang online program.  Maraming netizens ang hindi maiwasang mag-alala sa kalusugan ni Angel, higit sa lahat dahil sa biglaang paglobo ng katawan nito. Sa kabila ng pagtaba ng aktres, ang karisma at kagandahan ni Angel ay hindi nagbago.  Sa katunayan, maraming tao pa rin ang na-starstruck nang makita siya sa publiko habang nagte-taping para sa kanyang programa. Ngunit ang ilan sa kanyang mga tagahanga ay nagpahayag pa rin ng pag-aalala tungkol sa kalusugan ng aktres.  Ano ang maaaring naging sanhi ng kanyang pagtaas ng timbang? Matatandaang taong 2015 nang sumailalim sa operasyon si Angel Locsin upang ayusin ang isang disc bulge sa kanyang spine.  Matapos ang spine injury, kinailangan ni Angel na uminom ng mga gamot upang maibsan ang sakit. “Noong bumalik ako ng workout, umiyak ako eh.