Renato Reyes, matapang na inihayag na gusto nilang patalsikin sa pwesto si Pangulong Duterte kahit wala pang halalan

Matapang na inihayag ni BAYAN Secretary General Renato Reyes ang plano ng kanilang grupo na alisin sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte bilang Presidente ng Pilipinas kahit wala pang halalan. Narito ang pahayag ni Reyes: “Gusto na nga namin sya paalisin kahit wala pang eleksyon. Kayo naman gusto nyo syang patagalin pa sa pwesto kahit tapos na ang termino. NO. Stop using the pandemic as pretext for dictatorship!” Ito ang tugon ni Reyes matapos ipinanukala ni Pampanga Congressman Mikey Arroyo na kanselahin muna ang eleksyon na magaganap sa 2022 dahil sa pandemya na kinakaharap ng bansa natin ngayon. Tila hindi naman ito nagustuhan ng mga netizens: Ang BAYAN ay isa sa mga legal democratic forces ng mga komunista ay kinilala ni Communist Party of the Philippines founder Joma Sison.