Posts

Showing posts from October 7, 2020

Buboy Villar, Nagsalita na upang bigyang-linaw ang hiwalayan nila ni Angillyn Gorens

Image
Naudlot man ang pag-iibigan nina Buboy at Angilyn, nananatili silang magkaibigan at  nagkasundong hindi pababayaan ang kanilang dalawang anak. Narito ang official statement ni Buboy Villar tungkol sa hiwalayan nila ng kanyang dating American partner na si Angillyn Gorens. “Actually po, two years na po kasi kaming wala rin talaga 'no so nag-decide lang po talaga kaming dalawa 'no.  Although marami nga nagtatanong at nag-e-expect pa rin po 'yung ibang tao na kami.  Siguro dapat talagang malaman din ng iba kasi nga ayaw ko rin naman na parang ma-stress nga si Angillyn kasi nga ang daming nagtatanong, although hindi naman din siya masyadong ma-social [media] kasi nga ganun nga 'yung parang buhay niya doon.  Parang lagi siyang nagtatrabaho.  So nag-decide kami na sabihin sa public. “At mahalaga naman doon, maayos kaming dalawa at napapag-usapan namin 'yung mga anak namin na pinakaimportante sa amin sa lahat ng bagay.  Ngayon magkaibigan naman po kami at parehas po kaming

Taho vendor na naglalako habang bitbit ang 1year old na anak, tinulungan ni idol Raffy Tulfo

Image
Inilapit ng netizen na si Jam Perry Branch kay Idol Raffy Tulfo ang sitwasyon ng magtataho na si Richard Paclibare para matulungan ngayong may pandemya. Madalas daw makita ni Jam na naglalako ng taho si Richard habang kalong ang kanyang one-year-old na anak.  Nahabag pero napahanga raw si Jam sa pagsusumikap ni Richard bilang isang single parent matapos siyang iwanan ng kanyang misis.  Napasaludo naman si Idol Raffy sa sipag at tiyaga ni Richard at pinagkalooban si Richard ng food card, grocery items, diapers, at cash para makapagsimula ng bagong buhay si Richard kasama ang kanyang anak.

Panoorin: Estudyante nagpakamatay matapos hindi tanggapin ng guro ang kanyang module dahil late na raw

Image
Isang estudyante nanaman ang binawian ng buhay matapos hindi umano tinanggap ng kanyang guro ang module na pinasa nito dahil late na raw ito.  Kwento ng kapatid ng biktima, umuwi ang estudyante sa kanilang bahay na umiiyak. Sinira nito ag kanyang cellphone at wifi na ginagamit sa kanyang online class, pagkatapos ay pumasok ito ng kwarto at humagulhol sa iyak. Laking gulat na lang ng kapatid ng makita ang nakababatang kapatid na naka bulagta na at wala ng buhay ng tinawag niya umano ito para kumain. Ayon pa sa kapatid ng biktima sadyang mahina talaga ang internet connection sa bahay ng kanilang pinsan kung saan sila nakatira kung kaya't hindi agad nakasumite ang kapatid ng kanyang module sa itinakdang araw ng pasahan. "gkan daw sa skol gahapon wla daw gidawat iya submission sa activity kay late na nya dghan pa kaau xag compliance sa... Posted by Delilah Jane Acasio Lopez on  Tuesday, October 6, 2020