Posts

Showing posts from October 5, 2020

Pipi at Bingi na Ginulpi ng lasing na Tricyle driver, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo

Image
Nakunan ng video ang panggugulpi ng isang lasing na tricycle driver sa isang pipi't bingi dahil kulang daw ang binigay nitong sukli nang utusang bumili ng alak. Kwento ni Mary Jane Rubio pinsan ng biktimang Mang Felipe, inutusan daw bumili ng alak si Mang Felipe at kulang daw ang sukli na ibinigay kaya nagalit ang tricyle driver. "Inutusan lang daw pong bumili ng alak, tapos kulang daw po yung sukli. Dahil po dun nagalit. Sabi daw po sa mga kainuman, bubugbugin ko yung gag* na yun! Kaya ang ginawa po sinundan po muli sa tindahan tapos kinompronta na niya tapos binira nalang po ng bigla"   

Lalaki na hindi marunong magbasa, Pinagtripan ang quarantine pass na ibinigay sa kanya sa Bulacan

Image
Viral ngayon sa social media ang post ng netizen na si Maricar Cruz Sevilla kung saan makikita ang larawan ng isang lalaki na tinukoy niya na kanyang tiyuhin na si Gorio Capule Paril at isang quarantine pass ID na may kakatwang nakasulat. Ayon sa netizen, binigyan umanoo ang kanyang tiyuhin ng quarantine pass na may kakatwang nakalagay tulad ng "Hepanget" at "Kobe Panget" . "Porket hindi nakakabasa yung tao ganto bibigay nyong qurantine pass.  Kundi ko pa tinignan quarantine pass na sinasabi nya di ko pa malalaman na pinagtripan nyo lang pala yung tito ko.  Alam nyo na hindi nakakabasa at hindi nya alam na nilalait nyo na sya sa quarantine pass na ginawa nyo sa kanya.  Nasan po yung puso nyo? Sinamantala nyo yung tao.  " sabi ni Maricar. Mabilis na nag-viral ang post na ito ni Maricar na umani ng inis mula sa mga netizens para sa mga taong gumawa nito kay Paril. Dahil sa dami ng mga nag-tag sa Raffy Tulfo in Action agad itong nakarati

Mga Guro sa Batangas umaakyat sa bubong ng paaralan para maka-connect sa internet

Image
October 5, 2020 unang araw ng pagbubukas ng klase sa Pilipinas. Viral sa social media ngayon ang grupo mga guro na umakyat sa bubong ng Sto. Nino National High School sa Batangas City. Kaya raw umakyat ng bubong ang mga ito kahit tirik ang araw ay para maka-connect sa internet at maipagpatuloy ang pagganap sa kanilang tungkulin sa mga mag aaral ngayong balik-eskwela na. Paliwanag ng school principal na si Eleneth Escalona, mahina umano talaga ang WIFI at mobile data signal sa paaralan nila dahil nasa liblib na lugar ito. Ngayong may pandemya sa bansa, nasa 22 million na public school students ang sasabak sa distance learning.

CONFIRMED: Buboy Villar at American Girlfriend Angillyn Gorens Hiwalay na

Image
Hiwalay na ang aktor na si Buboy Villar, 21, at ang American girlfriend nitong si Angillyn Gorens, 22. Ito ay kinumpirma ng magkabilang panig. Ayon kay Angillyn, sinubukan nila ni Buboy na ayusin ang kanilang pagsasama pero hindi na talaga umubra. “Naghiwalay kami ni Buboy two years ago, pero tinray pa rin naman namin i-workout pero we both realized na it wasn’t working na talaga. “So, mutual decision naman na maghiwalay kami at maging parents na lang sa mga anak namin.” pahayag ni Angillyn. View this post on Instagram 3 n 1 🥰😍 A post shared by Buboy Jr Villar (@buboyvillar) on Jan 14, 2020 at 7:11pm PST “Arrangement namin sa mga anak namin is pwede niya dalawin anytime, or kunin sa bahay sila Vlanz at George.” Saad ni Angillyn Si Angillyn ay kasalukuyang nasa Amerika  kung saan siya nagtatrabaho at  sa pamamagitan ng video call niya nakakausap at nakikita ang kanyang dalawang anak. Si Buboy naman ay r

Pinay OFW, Binigyan ng limpak-limpak na pera pampatayo ng bahay at college fund ng kanyang amo

Image
Sinurpresa ng isang Australian vlogger ang kanyang Pinay helper ng isang espesyal na token of appreciation, limpak-limpak na college fund  para sa kanyang anak! Ayon sa episode na "Kapuso Mo, Jessica Soho" noong Linggo, ang 50-taong-gulang na si Avelina ay naging isang overseas worker sa loob ng higit sa 10 taon, at nagtatrabaho para sa vlogger na si Alex Hirschi, na kilala rin bilang si Supercar Blondie, sa halos dalawang taon ngayon Dahil sa kaalaman ng amo kung gaano kasipag na nagtatrabaho si Avelina upang maipadala ang kanyang anak sa kolehiyo, nagpasya si Alex na i-prank si Avelina na kunwari'y gunagawa ng isang documentary film sa lahat ng kanyang mga empleyado bilang isang paraan upang sorpresahin ng OFW ng tulong pinansyal. Habang pinapakita ng vlogger ang pera sa video sinabi nitong: “This is an entire college fund for a very special employee of mine. She thinks we’re filming a documentary. So all my employees are going to come through this door for the