Posts

Showing posts from September 29, 2020

Estudyanteng naiyak sa dami ng requirements sa online class, viral sa social media

Image
Trending ngayon sa Facebook ang larawan ng isang babaeng estudyante na di napigilang maiyak sa harapan ng laptop. Ito ay dahil umano sa dami ng mga requirements na pinapagawa ng kanilang guro sa kanilang online class. Ibinahagi ng netizen na si Dennis Castor ang larawan ng kanyang pamangkin sa labis nitong pag-aalala sa estudyante na tila na-stress na sa pag-aaral imbes na matuto. Agad nag-viral ang larawan at umani ang larawan ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizens at karamihan daw sa mga ito ay nakaka-relate sa parehong pangyayari. Hinay hinay din sa parequirements! Hindi sila ROBOT 😭 Kung ilang subjects meron sila, for sure lahat may activities.... Posted by Dennis Quiaot Castor on  Monday, September 28, 2020

Hula ni Rudy Baldwin sa Malakas na Pagsabog ng Bulkan sa Pilipinas, Magkakatotoo na nga ba?

Image
Ang tanyag na psychic na na si Rudy Baldwin ay may bagong prediction tungkol sa isang sakunang magaganap sa Pilipinas. Sa pagkakataong ito, sinabi ni Baldwin na mayroon siyang isang pangitain patungkol sa napaka-aktibong bulkan ang Taal Volcano. Kamakailan lang ay nananunsyo ang PHIVOLCS na mahigpit nilang binabantayan ang 4 na bulkan sa Pilipinas dahil sa abnormal activitiy ng mga ito. Ayon kay Baldwin, ang bulkang Taal ay magkakaroon ng major eruption na kikitil ng maraming buhay. “Ito ay babala ko sa mga taga Batangas upang makapaghanda at makapag ingat.  Tumawag sa Diyos upang lahat ng nasa vision ko ay hindi mangyayari.  Isang malakas na lindol ang nakikita ko sa vision ko at kahit ang dagat ay niyanig ng malakas na lindol diretso sa kalupaan ang yanig ng lindol at malakas ang impact.” "Doon ko nakita ang mas malala pang pagsabog ng Taal dahil sa apoy na nakikita ko sa karagatan ng Batangas.  Nakikita ko ang paglapit ng lamang-dagat.  Ang pag-usok ng

PHIVOLCS: Apat na bulkang may "Abnormal Activity" mahigpit na binabantayan

Image
Apat na bulkan ang binabantayan ngayon ng PHIVOLCS dahil sa mga "abnormal activity" nito. Ito ang Taal Volcano sa Batangas, Mayon Volcano sa Albay, Bulusan Volcano sa Sorsogon, at Kanlaon Volcano sa Negros Island. Paalala ng PHIVOLCS nasa Alert level 1 ang bulkang ito. Ibig sabihin nasa abnormal condition ang mga ito. Bagaman walang imminent magmatic eruption, nagbabala pa rin ang ahensiya sa bantang dala ng pagsabog ng bulkan. Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa mga itinakdang danger zone. “At alert level 1, all the aforementioned volcanoes earlier can actually have a steam-driven explosion,” sabi ni PHIVOLCS Officer-in-Charge Renato Solidum. “Meaning po, ‘yung mga maiinit na magma can actually boil up the water and cause the explosion. And then people then should not go inside their danger zones. Kasama po sa Taal Volcano Island ang bawal,” dagdag pa nito. Hindi na bago sa Pilipinas ang pagputok ng Bulkan dahil nasa tinatawag na "Pacif

Isang call center sa QC. Binulabog ng bomb threat

Image
Nakatanggap ng warning message ang security commander ng isang BPO company sa Quezon City na ang kanilang gusali ay sasabog sa loob ng isang oras. Base sa police report, natanggap ni Infocom Philippines security commander na si Reden Versoza ang bomb threat bandang 7:26 ng umaga na agad nitong inireport sa pulis. “Sasabog ang Bldng., ng Jack Man Infocom sa loob ng isang oras d aq nagbibiro.” ang sabi sa mensahe. Agad namang rumesponde ang kapulisan at mga tauhan ng Quezon Police District explosive ordnance disposal (EOD) Unit sa lugar. Matapos ma-inspeksiyon ang 4th at 5th floor ng gusali kung nasaan ang opisina ng call center, idineklara na itong safe ng awtoridad.

Pangulong Duterte, Hindi ipapa-ban ang Facebook sa Pilipinas

Image
Kinwestyon ng Palasyo ang ginawang pagsasara at tuluyang pagtanggal ng Facebook pages at accounts na sumusuporta sa pamahalaan at hindi isinama ang mga bumabatikos sa administrasyon. “Kasi ang nangyayari po, kapag laban sa gobyerno hindi po tinatanggal ng Facebook; kapag sumusuporta sa gobyerno naitatanggal po,” sabi ni Presidential spokesperson Harry Roque. Sa kabila nito, tiniyak naman ng Malacañang na hindi ipapa-ban ng gobyerno ang social media giant sa Pilipinas. Ayon kay spokesperson Harry Roque, mas gusto ni Pangulong Duterte na magkaroon ng pag-uusap ang gobyerno at ang Facebook. Makakasama kasi ang pag-ban sa Facebook para sa mga Pinoy, pati na rin sa kompanya, dahil milyon-milyong Pilipino ang gumagamit nito. “Alam ninyo po parehong hindi mabuti iyan sa Facebook at sa Pilipinas, number one po kasi sa buong mundo tayo sa Facebook. So kung mawawala tayo, malaking kawalan po iyan sa Facebook,” sabi ni Roque. “Dahil number one nga tayo, marami ring Pilipinong gum

‘Sumisigaw na ako sa pain’ Derek Ramsay isinugod sa E.R. dahil sa UV light

Image
"Hindi ko na maidilat 'yung mata ko. Talagang they were burning,"  kwento ni Derek Ramsay. Itinakbo sa ospital ang aktor na si Derek Ramsay ng nakaraang linggo dahil sa UV light. Kuwento ni Derek sa interview nina Iya Villania at Camille Prats sa show na “Mars Pa More”, may UV light daw sila para ipang-disinfect sa kanilang ilang gamit sa bahay. Nang mapansin niyang pakislap-kislap ang UV light  napagdesisyon siyang ayusin ito. Habang inaayos, pinaalalahanan pa raw siya ng girlfriend niyang si Andrea Torres na huwag tingnan nang direkta ang UV light. Ngunit sa kabila nito, tinignan pa rin niya ito. Nangyari raw iyon ng alas-7 ng gabi pero pagsapit ng madaling-araw ay hindi na niya maidilat ang kanyang mga mata. “Talagang they were burning, eh ayoko naman siyang gisingin (Andrea).  I went to the bathroom, naghugas ako ng mata. It got worse.  Then it just got worse and worse,  so napilitan na akong gisingin si Andrea,  at tinakbo na ako sa ospital

Ella Cruz, Naaksidente sa Big Bike

Image
Nag-alala ang mga netizens sa Instagram video post ni Ella Cruz  kung saan nagmamaneho ang dancer/actress ng bigbike motorcycle. "Simple lang naman, gusto ko yung ginagawa ko at kaya ko.  Matagal ko ng pangarap magmotor.  Opo, di ko abot pero masosolusyunan naman.  Kaya ako nagraride dito sa race tracks lang ay para matuto.  Hindi pa ko nagmomotor sa kalsada, dahil ayoko pa.  Isa pa po, sabi ng coach ko, kapag sanay na sanay na ako,  kahit anong motor pa yan, kahit R1 pa yan,  kayang kaya ko na  kahit gano pa kalaki yung motor na yan." kwento ni Ella. Maayos sa umpisa ang pagpapatakbo ni Ella, ngunit sa bandang huli nang pumaling na ang katawan nito para lumiko, nalaglag siya sa motor at nagpagulong-gulong sa kalsada. Makikita na sumemplang si Ella. Mabuti na lang at hindi masyadong mabilis ang kanyang takbo at naka-full protective gear ang aktres kaya naman hindi ito masyadong nagalusan. Wala namang masakit o natamong sugat si Ella ngunit