Posts

Showing posts from September 28, 2020

Pamilyang Nanigaw ng Frontliner, Nagreklamo kay idol Raffy Tulfo

Image
Matapos mag-viral ang video ng isang pamilya na nanduro at nanigaw ng isang frontliner ay nakarating na nga ang insidente sa programa ni Raffy Tulfo. Maliban pa sa naagrabyadong nurse ay napag-alamang na-stroke pa pala ang isang tao ng barangay na kasama nito dahil sa insidente. Ayon kay Atty. Garreth Tungol posibleng makasuhan at makulong ng hanggang 10 taon ang  pamilyang ito matapos nilang pagtulungan ang isang frontliner. Ayon kay Atty. Tungol, nakasulat sa Bayanihan Law ang pagbabawal sa diskriminasyon sa ating mga frontliners.

Sikat na Vlogger na si Toni Fowler, Nagpasaklolo kay idol Raffy Tulfo

Image
Humingi ng saklolo ang sikit na vlogger na si Toni Fowler kay idol Raffy Tulfo. Sa isang Facebook post humingi ng suporta si Toni sa netizens na maipaabot ang kanyang video kay idol Raffy. Sabi niya "Humihingi po ako ng tulong sainyo Wala akong akong malapitan tungkol dito Sana umabot po itong video ko kay Sir Raffy Tulfo. Maraming salamat po sa mga mag sheshare 🙏🏼" Reklamo ng vlogger ang mga nag-rereupload ng kanyang mga videos. Agad na nag-viral ang kanyang post kaya naman agad itong nakarating sa programa ni idol Raffy Tulfo.

COMELEC, humirit ng mas malaking pondo sa 2021 para sa VCMs

Image
Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) ng mas mataas na pondo para sa susunod na taon, upang makabili umano ng mga karagdagang vote-counting machines para sa 2022 national elections, matapos na tapyasan ng Department of Budget and Management ang kanilang orihinal na budget proposal na P14.57 billion, pababa ng P14.34 billion. Ayon kay Jimenez, layun nitong malimitahan ang bilang ng mga tao sa loob ng presinto lalu na’t inaasahan nila ang muling pagtaas sa bilang ng botante. “Ang problema kasi ay hindi lamang ‘yung edad ng makina kung hindi ‘yung dami rin ng taong gagamit. Ine-expect natin na dadami ang ating mga botante dahil year-on-year, talaga namang tumataas ‘yung ating list of voters,” sabi ni Jimenez. Binigyang diin ni  Jimenez, na tumataas ngayon ang listahan ng mga botante, at kapag marami ay nagsisiksikan ang mga ito sa isang makina, na hindi ligtas sa panahon ngayon ng pandemya. “At kapag marami ang botante at nagsisiksikan sila sa isang makina, medyo u

Babae sa viral happy bday kagawad video ni Cesar Montano lumantad na

Image
Lumantad at nagpakilala na umano sa publiko ang misteryong babae sa likod ng "happy birthday kagawad" viral video ni Cesar Montano. Nag-post si Dolly Anne Carvajal sa kanyang Facebook page ng pagbati ni Cesar Montano para sa kanyang kaarawan. Ito ay tulad ng isang reenactment ng viral video ng Cesar noong Oktubre ng 2018. Ngunit sa pagkakataong ito, ang misteryosong babae ay hindi na nanatili mysterious dahil ipinakita na niya ang kanyang sarili sa camera nang tinawag siya ni Buboy upang kamustahin din si Dolly. "BFF, Happy, happy birthday to you! Huwag mong kakalimutan na merong Buboy, Cesar Montano, na nagmamahal at nagdarasal ng safety and good health, 'yan! I love you, BFF Dolly!" sabi ni Cesar sa video. "BFF, yung talent ko, nandidiyan na. Sandali, bakit may damit na ito, ah?" Biro ni Cesar "Siyempre, wholesome tayo ngayon. Happy birthday, Mare. We love you!" sagot ng babae. "Next time, yung isa kong talent, ava

Mawawalan ng kuryente sa Luzon sa darating na Sept. 29-Oct. 5, 2020

Image
Nag-abiso ang Meralco na pansamantalang mawawalan ng kuryente ang ilang lugar sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan sa Sept. 29 hanggang Oct. 5, 2020. Bunsod umano ito ng maintenance work o mga pagkukumpuni na isasagawa sa mga apektadong lugar. Sept. 29 Victoria, Laguna between 10 a.m. and 3 p.m. portion of Circuit Dila 413DIA Portion of San Francisco Barangay Road from near J. P. Rizal St. to and including San Felix Barangay Road; Sophia Subd., Sitio Balimbing and Purok 3 in Bgys. San Francisco and San Felix. Sept. 29-30 Quezon City between 11:30 p.m. Sept. 29 and 5:30 a.m. Sept. 30 Portion of Circuits Cubao 52VQ and Kamuning 425VP Portion of Ermin Garcia Ave. from New Orleans St. to Detroit St. in Bgy. Pinagkaisahan. Portion of D. A. Egea St. from Ermin Garcia Ave. to and including F. Manalo, Sgt. Catolos, Detroit, Chicago and New Orleans St. in Bgy. Pinagkaisahan. Portion of New York and Monte De Piedad Sts. from Maryland St. to and including Boston, Seatt

Psychic na si Rudy Baldwin nagbabala sa sakunang magaganap dahil sa bulkang Taal

Image
Ang tanyag na psychic na na si Rudy Baldwin ay may bagong prediction tungkol sa isang sakunang magaganap sa Pilipinas. Sa pagkakataong ito, sinabi ni Baldwin na mayroon siyang isang pangitain patungkol sa napaka-aktibong bulkan ang Taal Volcano. Ayon kay Baldwin, ang bulkang Taal ay magkakaroon ng major eruption na kikitil ng maraming buhay. “Ito ay babala ko sa mga taga Batangas upang makapaghanda at makapag ingat.  Tumawag sa Diyos upang lahat ng nasa vision ko ay hindi mangyayari.  Isang malakas na lindol ang nakikita ko sa vision ko at kahit ang dagat ay niyanig ng malakas na lindol diretso sa kalupaan ang yanig ng lindol at malakas ang impact.” "Doon ko nakita ang mas malala pang pagsabog ng Taal dahil sa apoy na nakikita ko sa karagatan ng Batangas.  Nakikita ko ang paglapit ng lamang-dagat.  Ang pag-usok ng bulkang Taal ito ay parang singaw na lamang ngunit sa vision ko ay malakas ang impact at salpukan ng lindol sumabog ulit ang Taal"  sabi n

Mayor Vico Sotto, Mamimigay ng Libreang Laptops sa mga Public School Teachers

Image
Sa isang tweet noong Setyembre 26, 2020, si Vico Sotto, kasalukuyang alkalde ng Pasig City, ay nag-tweet ng dalawang larawan ng mga kahon kahon na mga laptops na ipamimigay niya sa mga guro ng pampublikong paaralan. Nandito na rin po yung mga LAPTOPS para sa mga PUBLIC SCHOOL TEACHERS. #Inspection #QualityAssurance 👨‍💻💙 Posted by Vico Sotto on  Friday, September 25, 2020 Isa lamang ito sa maraming proyekto na isinagawa ng alkalde bilang tugon sa COVID-19 pandemic. Dahil sa pandemya, maraming guro ang kailangang gawin ang online learning. Gayunpaman, ang mga resources ay hindi laging available. Sa pagsisikap na tumulong, ang pamahalaang Lungsod ng Pasig ay tumulong sa mga guro sa kanilang "new normal" upang maabot ang kanilang mga mag-aaral at makapagsagawa ng effectively conduct classes. Dumating ang mga laptop ilang araw lamang pagkatapos ibahagi ni Mayor Vico Sotto ang pagdating ng mga tablet para sa mga mag-aaral ng pampublikong paaralan. Walang