Posts

Showing posts from September 27, 2020

School Opening, gawin nalang sa 2021, Hiling ng mambabatas at grupo ng mga guro

Image
Para kay Senador Miguel Zubiri, dapat na ipagpaliban muna ang school opening ngayong taon at gawin na lang ito sa taong 2021. Paliwanag ng senador, ito’y para makapag-adjust pa ang mga estudyante at DepEd sa bagong mode of learning dahil sa COVID-19 pandemic. “Kung nahihirapan pa ang ating mga estudyante at ang DepEd mag-conduct ng homeschooling then it might be better to postpone the opening to another month or possibly even on January,” sabi ng Senador. “Education is also important but the delivery of this service must also be effective,” dagdag pa niya. Suportado din ang panukalang ito ng grupong  Teachers' Dignity Coalition (TDC). Ayon sa kanila: "PASUKAN NA SA OKTUBRE 5 MGA KAGURO I-check natin ha. Nakahanda na nga ba ang DepEd at mga guro sa October 5 school opening? Ano na ang sitwasyon sa field? Maayos ba ang internet connection? Meron  na bang modules ang lahat? Ano ang tulong ng gobyerno sa mga guro halimbawa sa internet allowance at gadgets? A

Mystery woman sa "happy bday kagawad" video ni Cesar Montano lumantad na

Image
Lumantad at nagpakilala na umano sa publiko ang misteryong babae sa likod ng "happy birthday kagawad" viral video ni Cesar Montano. Nag-post si Dolly Anne Carvajal sa kanyang Facebook page ng pagbati ni Cesar Montano para sa kanyang kaarawan. Ito ay tulad ng isang reenactment ng viral video ng Cesar noong Oktubre ng 2018. Ngunit sa pagkakataong ito, ang misteryosong babae ay hindi na nanatili mysterious dahil ipinakita na niya ang kanyang sarili sa camera nang tinawag siya ni Buboy upang kamustahin din si Dolly. "BFF, Happy, happy birthday to you! Huwag mong kakalimutan na merong Buboy, Cesar Montano, na nagmamahal at nagdarasal ng safety and good health, 'yan! I love you, BFF Dolly!" sabi ni Cesar sa video. "BFF, yung talent ko, nandidiyan na. Sandali, bakit may damit na ito, ah?" Biro ni Cesar "Siyempre, wholesome tayo ngayon. Happy birthday, Mare. We love you!" sagot ng babae. "Next time, yung isa kong talent, ava