Posts

Showing posts from September 26, 2020

Idol Raffy Tulfo, Naluha sa kasal ng anak na si Mar at Atty. Garreth Tungol

Image
Ini-upload na ng anak ni idol Raffy Tulfo na si Maricel sa kanyang YouTube channel ang video ng kanilang kasal ni Atty Garreth Tungol. Ginanap ang kasal noong Setyembre 20, 2020 na dinaluhan ng malalapit lamang na tao sa dalawa bilang pagsunod sa mga safety protocols dahil nasa ilalim pa rin ng GCQ ang Metro Manila. Bakas ang labis na kasiyahan ng dalawa sa araw na iyon. Maging ang ama ni Mar na kilalang walang inuurungan at sumbungan ng bayan na si Raffy Tungol ay napaluha sa kagalakan na ikinasal na ang kanyang unica hija na si Maricel Tulfo-Tungol. Sa bandang 11:39 ng video, mapapansing napapunas ng luha ang idol ng bayan na si Raffy Tulfo.

Sen. Manny Pacquiao ido-donate sa mga COVID-19 victim ang malaking parte ng kikitain sa laban kay McGregor.

Image
Kumpirmado na ang bakbakang Pacquiao vs. McGregor sa susunod na taon. Ayon sa special assistant ni boxing champ at Sen. Manny Pacquiao niyang si Jake Joson, ido-donate nila sa mga COVID-19 victim ang malaking bahagi ng kaniyang kikitain sa laban nila ni Conor McGregor. "Malaking portion ng kikitain ni Sen. MP sa kanyang susunod na laban, eh, ido-donate niya sa mga victims ng COVID," sabi ni Joson. Sa pahayag ni Sean Gibbons, presidente ng Manny Pacquiao Promotions, ang laban sa pagitan ng eight-division world champion na si Pacquiao at ng Irish mixed martial arts star na si McGregor ay matatawag na "tremendous global event." Ayon pa kay Joson, umabot na sa isang taon ang pakikipag-usap ng Team Pacquiao sa grupo ni McGregor na pinamumunuan ng manager nitong si Audie Attar na naantala dahil sa COVID-19 pandemic. "So, nagplantiya pa ng contract ang mga lawyers about this huge boxing match Pacquiao vs. Mc Gregor,... but both fighters are getting read

Mag-Ingat sa Pag-Post Para sa 'Drop Your Beautiful Daughter, Son' challenge

Image
Nang dahil sa pandemya, marami sa atin ang nananatili na lang sa bahay. Dahil nito, ang ilan ay hindi maiwasang ma-bore o mainip at makisali sa mga nauusong gawin sa gitna ng krisis. Isa dito ang pagkawili ng karamihan ng mga magulang sa pagsali sa pinakabagong pakulo sa Facebook ang #dropyourbeautifuldaughterchallenge. Narito pa ang ibang mga challenges: #drop_your_daughter_pic_challenge #drop_your_son_pic_challenge #drop_your_children_pic_challenge #drop_your_cute_son_challenge #drop_your_cute_children_pic_challenge #drop_your_handsome_son_challenge Nagbigay naman ng babala ang concerned parents at child-protection groups sa posibleng panganib na dulot nito. Sa katunayan kamakailan lamang ay may isang ina na labis ang takot nang malamang nasa pedophile website ang pictures ng anak nya na pinagpipiyestahan ng mga kalalakihan.

Nurse na nang-agaw ng Mister ng kanyang pasyente, May kalalagyan na!

Image
"Nurse pa man din! Kung sino pa yung inaaasahan mo na tutulong sayo na mapagaan yung karamdaman mo, tulad nito dialysis patient siya, at magbibigy ng comfort eto pa yung nagbigay sa kanya ng sakit sa ulo. Hindi lang sakit sa ulo sakit pa sa loob" . -idol Raffy Tulfo Nagpasklolo ang isang dialysis patient  kay idol Raffy Tulfo  matapos umanong agawin ng attending nurse niya ang kanyang mister. Sumbong ni misis na nakilalang si Rica de Vera, naging malapit na kaibigan niya ang nurse na si Vera Mae kaya naman hindi niya inakalang magagawa nila ito sa kanya Nagmakaawa pa si Rica sa nurse na ibalik na lang ang kanyang mister sa kanila ng mga anak niya Pero, hanggang ngayon ay hindi pa rin daw humihinto ang nurse at kinakausap pa rin ang asawa niya. Nangako naman si idol Raffy na tutulungan ang ginang at katunayan ay nakipag-ugnayan na ang programa nito sa mga kinauukulan upang mapa-uwi ang inirereklamong nurse