Posts

Showing posts from September 25, 2020

Anak, pina-Tulfo ang sariling ama dahil kinabit ang misis niya

Image
Humingi ng tulong ang mag-inang sina Myla at Crismark Pineda sa raffy Tulfo in Action. Inirereklamo ng anak ang kanyang sariling ama at kanyang misis na si Girlyn Pinedadahil dahil sa umano may relasyon ang dalawa. Ang ina mismo na si Myla Pineda ang nakahuli sa relasyon ng dalawa at napaamin pa nila ang mga ito. Kasalukuyan tumakas at sinasabing nagsasama na ang mga ito. Kaya naman desidido na ang mag-ina na samapahan ng kaso ang dalawang nagkasala sa kanila

Provincial Bus balik pasada na simula Sept. 30 ayon sa LTFRB

Image
Balik-pasada na ang mga provincial buses na may rutang Metro Manila simula September 30, 2020 ayon  kay LTFRB Chairman Atty. Martin B. Delgra III. Gayunpaman, Hindi pa malinaw kung lahat ng ruta ay kasama sa lahat ng operasyon. Ani Chairman Delgra, ngayong weekend ay nakatakdang ilabas ang Memorandum Circular para dito bago ang balik pasada sa darating na Miyerkules, September 30. Samantala, isang pagpupulong ang ipapatawag ng LTFRB sa mga bus companies sa darating na Lunes, September 28 para plantsahin ang mga patakaran sa gitna ng umiiral na community quarantine.

GCash may bayad na ang bank transfer simula sa Oct. 1

Image
Ang mobile wallet provider na GCash ay magsisimulang maningil ng charge para sa bank transfers sa platform nito simula sa Huwebes, ika-1 ng Oktubre, sinabi ito batay sa mga abiso na natanggap ng mga gumagamit ng naturang mobile app. "Starting Oct. 1, 2020, a fee will be charged per transaction," saad sa advisory ng GCash Nauna nang hinimok ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang mga bangko na alisin ang mga online transaction fees upang hikayatin ang mga Pilipino na gumamit ng online banking sa panahon ng COVID-19 pandemic. Iba-iba naman ang naging komento ng mga netizens sa anunsiyo ng GCash:

Sharee Sinaniban? Ed Caluag, Nag-imbestiga sa opisina ni idol Raffy Tulfo

Image
"May galit siya, malungkot siya, umiiyak" -Ed Caluag Inimbitahan ni Raffy Tulfo ang  paranormal expert investigator na si Ed Caluag sa kanyang programa Kaugnay ito sa mga di umano'y kababalaghan sa kanilang opisina Nagbigay ng mga detalye si Ed Caluag tungkol sa mga naramdaman niya at ang koneksyon nito sa co-host ni Tulfo na si Sharee Roman. Ayon kay Caluag, pagpasok pa lamang niya ng gusali, nakasalubong na niya ang babaeng nagpaparamdam sa lugar.

TINGNAN: Mga dirty-names ginamit sa modules ng Grade 11 students ng isang Catholic school

Image
Marami ang nabigla sa isang learning module na naglalaman ng mga halimbawang pangalan na may “double meaning.” Ibinahagi ng netizen na si Reyson Lee ang module na ito ng kanyang Grade 11 na kapatid sa isang private Catholic school na naglalaman ng ilang "dirty names." "I'm not blaming DepEd for this. I only mentioned the page to raise awareness about the content with double meaning," ayon kay Lee. Ayon kay Reyson, lumapit din sa kanya ang ilan na may kapatid na nag-aaral sa ibang school dahil inirereklamo rin nila ang sobrang "creativity" ng modules. Simula raw ngayong araw, nagbahay-bahay na ang ilang guro ng eskuwelahan ng kanyang kapatid para kunin ang specific module na iyon. Sinabi ni Education Sec. Leonor Briones na hindi galing sa kanila ang self-learning module na naglalaman ng "dirty names" noong tanungin ni Sen. Joel Villanueva kung paano nila binabantayan ang kalidad ng mga modules. Galing ito sa isang review