Posts

Showing posts from September 23, 2020

"I am a Filipino" Eugenio Gabby Lopez, Opisyal nang nag-resign sa ABS-CBN

Image
Opisyal nang nag-resign si Eugenio "Gabby" Lopez III sa ABS-CBN Corporation at iba pang kompanya na pagmamay-ari ng pamilya Lopez. Nagbitiw rin siya bilang director ng ABS-CBN Holdings Corporation, Sky Vision Corporation, Sky Cable Corporation, First Philippine Holdings Corporation, First Gen Corporation, at Rockwell Land Corporation. Basahin ang official statement ng Kapamilya network: “Nagpapasalamat siya sa tiwala ng mga stockholder ng mga korporasyong ito, sa mga kapwa director at tagapamahala na kanyang nakasama sa paninilbihan sa mga nagdaang taon. “Tinanggap ng Board of Directors ang kanyang pagbibitiw sa ginanap na pagpupulong ngayong araw. “Lubos kaming nagpapasalamat sa kanyang dedikasyon at pamumuno sa mga nagdaang taon upang palawakin ang mga serbisyo ng ABS-CBN bukod sa telebisyon. Tulad ng kanyang amang si Eugenio ‘Kapitan Geny’ Lopez Jr., si Gabby ay isang makabagong lider na may matinding malasakit at pagmamahal para sa Pilipinas at mga kababaya

Liza Soberano, personal nang nagsampa ng kaso laban sa empleyado ng Converge na nambastos sa kanya

Image
Personal na nagsampa ng kaso si Liza Soberano laban sa Converge employee na si Melissa Olaes na nambastos sa kanya. Ayon sa kapamilya aktres, hinding-hindi niya palalampasin ang naging komento ni Olaes dahil hindi biro ang "panggagahasa". "I was really upset, because the fact that it's a rape joke it's not something that should be taken lightly, and the fact that she's a woman, I would never in a million years do a joke like that." pahayag ng aktres Paalala pa ni Liza sa mga tao, dapat matutong rumespeto sa kapwa kahit na sa social media. "I know that everybody is entitled to their own opinion, that is true, but at some point you have to be respectful to others online. I want people to learn that there are consequences to everything like rape jokes coz that is not a light matter." dagdag pa na aktres. Muling pinapaalala ni Liza na ang mga kababaihan ay dapat tratuhin nang may paggalang at dignidad anuman ang kanilang katayuan sa

Mister, Nahuli si Misis sa kwarto na kasama si Pinsan!

Image
Dumulog sa Raffy Tulfo in Action ang isang Mister na Ronnie Yabut upang ireklamo ang kanyang misis na si Abby Ghey Yabut. Reklamo ni mister, kabit umano ni misis ang kanyang pinsan na kinilalang si Christian Bondoc. Nahuli ang dalawa sa kwarto na magkasama. Ngunit ang depensa ng dalawa sinetup lamang sila.

Mahigit 10,000 subscribers, nawalan ng internet matapos putulin ang kable ng kanilang internet service provider

Image
Kung kailan pa kailangan na kailangan ang internet para sa online classes at mga naka-work from home setup, tsaka pa nawalan ng internet service ang nasa mahigit 10,000 subscribers ng isang internet service provider sa Mabalacat, Pampanga. Ang dahilan, pinutol na kable. Hindi pa tukoy kung sino ang salarin pero hinihinalang gumamit pa ito ng hagdan para maputol ang kable na nasa taas ng poste. Tanging linya lang din ng Converge ang pinutol. . Dahil sa insidente madami ang naabala kabilang ang mga residente kabilang na ang mga nag-oonline class. Ayon naman sa Converge naibalik din agad ang internet sa lugar matapos ang ilang oras. Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.

P10-B Pang-ayuda, Hindi naipamigay ng DSWD

Image
Dismayado ang ilang senador matapos malaman na may natira pang P10 billion ng cash aid sa DSWD na dapat sana ay naipamahagi na agad sa mga mahihirap na pamilya sa bansa. Sinabi ng DSWD sa budget hearing sa Senado, na naipon ang naturang pondo nang mabawasan ng apat na milyon ang mga nakatanggap ng P5,000 hanggang P8,000 cash aid sa SAP dahil sa "double compensation." Ayon kay Senador Franklin Drilon, ang hakbang ng DSWD na hindi ipamahagi ang P10B ayudan ay taliwas umano sa hangarin ng pamahalaan na pasiglahin ang ekonomiya ng bansa sa harap ng pandemya. "The DSWD should give the P10 billion to the poor which did not receive the second tranche of SAP. Huwag po nating tipirin ang tulong natin sa ating mga kababayan,” sabi ni Drilon. Ayon naman kay Senador Risa Hontiveros, dapat lang na ipamahagi ang naturang ayuda sa mga mahihirap na Pilipino dahil ibinalik noong Agosto sa mas mahigpit na community quarantine ang rehiyon ng Metro Manila at mga kalapit na probi

Empleyado ng Converge na Gustong ipag*hasa si Liza Soberano, Kakasuhan na

Image
Balak ng kasuhan ng kampo ng aktres na si  Liza Soberano ang isang empleyado ng internet  service provider na converge dahil sa "rape comment" nito sa aktres. Ayon kay Liza nakipag-usap na umano siya sa kanyang abogado maging sa manager niyang si Ogie Diaz sa balak na pagkakaso sa naturang empleyado na nakilalang si Melissa Olaes. “Wala tayong magagawa, wala ng trabaho, kaya di bale ng masira ang image, magkapera lang. Sarap ipa-rape sa mga… ewan!” sabi ni Olaes. MELISSA OLAES. Don't forget the name. @Converge_CSU Mr. Dennis Uy your company needs some serious cleaning up to do. Rape is NEVER a joke. @lizasoberano @ogiediaz https://t.co/eEfSAwoUDF pic.twitter.com/cgv6bHVhCE — aiagie 🔆 (@betchaboux) September 20, 2020 “Don’t worry we won’t let this one pass. They know my address,” ang sagot naman ni Liza sa isang tweet. Don’t worry we won’t let this one pass. They know my address. — Liza Soberano (@lizasoberano) September 20, 2020 Nilinaw naman n

Biglaang Pagpayat ni Rhian Ramos, napansin ng mga netizens

Image
Ilang netizen ang nakapansin sa tila mas payat na pangangatawan ng aktres na si  Rhian Ramos ngayon. View this post on Instagram Stay home day A post shared by Rhian Ramos (@whianwamos) on Sep 11, 2020 at 2:26am PDT Marami tuloy ang mga espekulasyon na ang aktres ay may eating disorder. Itinanggi naman ito ni Rhian, at ibinahagi niya ang dahilan ng kanyang pagpayat. View this post on Instagram Take me to your leader . @juanitathelabel @hearthandhomedecors A post shared by Rhian Ramos (@whianwamos) on Sep 16, 2020 at 4:25am PDT Ayon kay Rhian, hindi siya nagda-diet para magpapayat at ang pagnipis ng kanyang katawan ay dahil umano ng stress. “Of course not. In fact, kapag nakatingin ako sa salamin, alam ko, nakikita ko kung ano 'yung hitsura ko. "It's not like I'm trying to lose weight because I feel big. “Iniisip kasi ng tao na

Mawawalan ng Internet? PLDT Magsasagawa ng 5-day Emergency Maintenence sa kanilang cable systems

Image
Magsasagawa ang PLDT Inc. ng emergency maintenance sa isa sa kanilang international cable system simula sa Biyernes. Tinatayang tatagal ang maintenance ng limang araw. Sa inilabas na advisory ng PLDT Inc. sa kanilang official Facebook page, sinabi ng kumpanya na pinamumunuan ni Pangilinan na ang maintenance sa Asian American Gateway (AAG), isa sa mga international cable system ng PLDT, ay magsisimula ng 8:00 ng umaga sa Biyernes, Setyembre 25, 2020, at matatapos sa Miyerkules , Setyembre 30, 2020. "We would like to assure PLDT and Smart Communications Inc. subscribers that measures have been put in place to minimize this activity's impact," ang sabi sa  advisory . "We shall provide regular updates as the operation progresses, we thank you for your understanding," dagdag nito. Wala pang update sa nasabing maintenance. NETWORK ADVISORY [23 Sept 2020] Emergency maintenance activities will be conducted on the Asian American Gateway... Posted by P

13-anyos na dalagita na bibili lang ng softdrinks, ginahasa umano ng kanyang ninong

Image
Nawala ang dating sigla na isang 13-anyos na dalagita na bibili lang sana ng softdrinks subalit ginahasa umano ng kaniyang ninong sa loob mismo ng tindahan ng suspek sa baranggay Bacnar sa San Carlos City, Pangasinan. Ayon sa kwento ng biktima na itinago sa pangalang "Nikka,"  bigla na lang siyang hinatak ng kaniyang ninong sa tindahan at ginahasa. "Sabi niya po sa akin papatayin daw ako sa daan kapag nagsumbong po ako," sabi ni Nikka. Hustisya ang nais ng ina ng biktima. Gusto ng ina na pagduhasan ng kanyang kumpare ang ginawa sa kanyang dalagitang  anak. Sinabi din ina ng biktima na inamin ng suspek ang krimen pero umalis na ito sa kanilang lugar. Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang suspek.

White sand sa Manila Bay inaanod na?

Image
Usap-usapan ngayon sa social media ang mga larawang nagpapakita na inanod ang mga dinurog na dolomite sa Manila Bay. Makikita sa mga litrato na tila bang naaagnas na ang mga Dolomite na itinambak dito matapos itng buksan sa publiko ilang araw ang nakalipas. Narito ang iba pang mga larawan nagpapakita na tila ito'y inaanod na: Ayon sa DENR, normal lang daw ang ganitong erosion at may mga inihanda na silang paraan para rito. Sabi ni DENR Undersecretary Benny Antiporda sa mga kritiko ng Manila Bay Nourishment Project, hintayin na munang matapos ang proyekto. “’Yung area na ‘yon is under construction pa. Under renovation pa siya, under nourishment pa siya so I don’t think it’s fair na mag-judge sila kaagad diyan,” saad ni Sec. Antiporda.

Packaging ng mga imported na pusit, kontaminado ng coronavirus!

Image
Positibo sa COVID-19 ang packaging ng frozen squid na ipinadala sa China na mula sa Russia. Noong nakaraang buwan, nakumpirmang kontaminado rin ng coronavirus ang packaging ng ilang frozen goods na dumating sa China. Posible kayang mahawa ng COVID-19 ang isang tao mula sa kontaminadong packaging? Panoorin sa video.