9-Taong Gulang na Bata, Nagtatrabaho Bilang Mascot para Suportahan ang Pamilya

Nasaksihan ng maraming netizen ang nakakaawang sitwasyon ng isang 9 taon na batang lalaki matapos maipost ito sa Instagram ng user na si @rhmadii__ . Hindi lahat ay nabiyayaan ng marangyang pamumuhay, at hindi lahat ng bata ay pinalad na magkaroon ng mga magulang na kayang suportahan ang kanilang mga bayarin sa paaralan. Ganito ang kaso ni Rehan, isang 9 anyos na batang lalaki sa Indonesia na nagsisikap na magtrabaho bilang isang street clown upang kumita at masuportahan ang kanyang pamilya. Imbes na paglalaro ang ginagawa habang siya ay bata pa, namulat na si Rehan sa kahirapan ng buhay kaya nito piniling magtrabaho sa kabila ng kanyang murang edad. Narito ang ilang larawan ni Rehan: Sa larawa makikita ang bata na animo’y pagod na pagod habang mahimbing na nagpapahinga sa gilid ng kalsada. Kailangan umanong araw-araw na gumising ni Rehan nang maaga at maglakad ng 10 kilometro papunta sa Jalan Gatot Subroto ng South Kalimantan para magtrabah