Posts

Showing posts from September 21, 2020

Anak ni idol Raffy Tulfo na si Maricel, ikinasal na

Image
Ikinasal na ang pinakamamahal na anak ni idol Raffy Tulfo na si Maricel Tulfo kay Atty. Garreth Tungol. Kamakailan lamang, ibinahagi sa Raffy Tulfo in Action official Facebook page ang ilang mga larawan ng kasal ni Maricel Tulfo at Atty. Garreth noong nakaraang Linggo Setyembre 20, 2020. Ang mga larawan ay umani ng mga papuri at paghanga mula sa mga netizens. Regular na lumalabas si Atty. Garreth Tungol sa mga programa ni idol Raffy Tulfo tuwing humihingi ng payo ang radio personality pagdating sa mga ligal na usapin. Mayroon ding segment si  Atty. Tungol sa "Idol in Action" kung saan nagbibigay siya ng mga pag-update sa pag-usad ng mga kaso. The wedding of Atty. Garreth Tungol and Mar Tulfo at The Grand Hyatt Manila in Taguig. The ceremony was officiated by... Posted by Raffy Tulfo in Action on  Monday, September 21, 2020

Actual Footage ng Pagbaril kay Police Executive Master Sergeant Roel Candido sa Maynila

Image
Patay sa pagbaril ang isang pulis na si Police Executive Master Sergeant Roel Candido sa pamamaril sa Sta. Cruz, Maynila nitong Sabado. Base sa kuha ng CCTV ng Barangay 304, nakitang may nakaparadang kotse sa Florentino Street. Tatlong lalaki ang bumaba mula sa kotse at nag-abang sa kabilang sidewalk. Maya-maya ay may puting AUV na dumaan kasunod ang motorsiklong sinasakyan ng pulis. Dahan-dahan nang umubante ang kotseng nakaparada at hinarangan ang puting AUV. Dito na tinutukan at pinagbabaril ng mga lalaking naka-fatigue uniform ng PNP si Police Executive Master Sergeant Roel Candido.

Rider patay matapos malaslas ang leeg ng tali ng saranggola

Image
Naabutan ang electrician na si Benedict Paiste, 36-anyos, na duguan sa Bypass Road sa bahagi ng Barangay  Cabalangegan sa Vigan City. Dinala agad siya sa ospital pero binawian din ng buhay. Dinala agad sa ospital ang biktima matapos magilitan ng tali ng saranggola. Ayon sa pulisya binabagtas ng biktima at angkas nito ang naturang lugar nang sumabit ang leeg niya sa tali ng saranggola. "Pinahinto raw siya ng kasama niya kasi uminit daw yung leeg niya" sabi ng kapatid ng biktima na si Richard Paiste "Pagkahinto, bumagsak na kapatid ko" dagdag pa nito Naka-helmet naman daw ang mga biktima pero tumama sa leeg ng tali. Halos humiwalay na umano ang ulo ng biktima kaya maging ang angkas ng biktima ay nagtamo rin daw ng sugat sa leeg pero nakaligtas. "Malalim kasi [ang sugat] pati lalamunan niya at malalaking ugat natamaan," sabi pa ni Richard. Dinala sa himpilan ng pulisya ang isa sa nakitang naglaro ng saranggola pero hindi raw sa kanya i

Nurse na nagpaanak sa isang palaboy, Binigyan ng malaking reward ni idol Raffy Tulfo!

Image
Lubos na nagpasalamat si nurse Lorraine Pingol ang ginawa ni idol Raffy Tulfo sa isang interview sa programang Raffy Tulfo in Action. Si nurse Lorraine ay nag-viral matapos nitong tulungan ang isang homeless na ginang na manganak sa kalye kamakailan lamang. Kwento niya "Late na ako sa trabaho pagka gising ko, nagmamadali po ako..then habang naglalakad ako papasok ng work hindi pa po ako nakakalayo sa vicinity ng baranggay Bangkal. Tinawag po ako ng grupo ng mga barangay rescuers. Pagkalapit ko po nakita ko po yung ale na nanganganak sa gilid ng kalsada." "Ikaw po ay isang bayani Ma'am Lorraine" sabi ni idol Raffy "Hindi naman po, parang hindi po nag-sisink in sa akin yung salitang iyon" sagot ni nurse Lorraine "Ma'am bagay na bagay sa inyo" sagot naman ni idol Raffy At bilang pasasalamat sa kabayanihang ipinakita ng nurse na si Lorraine siya ay bibigyan ng P100,000 cash ni idol Raffy Tulfo. Hindi na  nagdalawang is

Pulis na tumulong sa mag-ina na nagtitinda ng kendi sa kalsada, trending sa social media

Image
Trending sa social media ang larawan ng isang pulis na tumulong sa isang mag-ina na nagtitinda ng kendi sa lansangan. Nakilala ang Good Samaritan na pulis bilang si Bason Delos Reyes. Ayon sa post ng isang netizen na si Janet Samson-Morta, may mag-inang nagtitinda ng kendi sa labas ng isang convenience store sa Marikina City. Maya-maya pa ay nilapitan sila ng mabait na pulis na ito at inabutan sila ng pagkain at inumin. Umani naman ng papuri mula sa mga netizens ang pambihirang pagtulong na ito ng pulis.  Sana ay mas marami pang Pilipino ang gumaya sa kabutihang-loob ng nakakabilib na pulis na ito. Pinakain at binigyn ng maiinom yng mag ina n nagtitinda ng candy. Sana lahat ng pulis ganito. Good job Sir Bason De Lo. Godbless sir! Ikw ang tunay n lodi. 👍👍 Posted by Janet Samson-Morta on  Sunday, September 6, 2020

Badjao Girl na si Rita Gaviola, Malayo na ang narating matapos magviral noon ang kanyang picture

Image
Nag-trending  noong 2016 si Rita Gaviola na tinaguriang si Badjao Girl dahil sa angking natural na kagandahan na nakunan ng larawan ng isang netizen habang namamalimos ito sa Pahiyas Festival sa Lucban, Quezon. Hindi kagaya noon, mas maayos na ngayon ang buhay na mayroon ang tinaguriang Badjao girl at ang pamilya nito.  Matapos nyang sumikat ay pinasok naman nya ang mundo ng showbiz ng mapabilang sya sa sa Pinoy Big Brother: Lucky Season 7. Hindi man siya  nanalo sa PBB ay hinangaan naman sya ng nakararami dahil sa tapang nyang harapin ang hamon ni KUYA at ang dedikasyon makaahon sa hirap. View this post on Instagram A post shared by Rita Gaviola (@itsritagaviola) on Sep 17, 2020 at 5:01am PDT 13 anyos lamang noon si Rita ngunit, ang natural nitong larawan ay kumuha sa atensyon ng publiko dahil sa kakaiba at natural nitong ganda. Ilang taon ang makalipas, dalagang-dalaga na ngayon si Rita at mas

Julia Barretto nabuntis umano ni Gerald Anderson ayon kay Jay Sonza

Image
Nasagap umano ng dating broadcaster na si Jay Sonza mula sa kanyang kapitbahay ang balitang "may nabuo na sa sinapupunan" ni Julia Barretto, at ang ama umano ng dinadala niya ay si Gerald Anderson “After months of love lockdown and ESQ (exact sex quadrant) -- may nabuo sa sinapupunan ni Julia.”  Diretsahang sabi ni Jay Narito ang kanyang post: "Break muna tayo sa mga kuwentong manila bay beach front, philhealth nakawan, covid19 controversies, unjustified deped budget. Tama na muna ang mga batikos sa pangit na pagmumukha ni jover, ang malabayag na kutis ni ressa, ang chararat na ilong ni Mike, ang iyot-iyong pananalita ni leni, ang kupal na papapel ni kaki.  Stop muna ang tsismis sa sakit ni Digong, ang kakapalan ng fez ni Duque, ang pananatili sa mancave ni Martin, ang pagiging inutil ni DA sa magsasaka at puro epal na PACC sa corruption.  Dito muna tayo sa mga balitang may katotohanan, may pag-iibigan, may pinagsaluhang nakakapanginig ng laman at higit sa

Empleyado ng Converge na Gustong ipag*hasa si Liza Soberano nag-public apology na

Image
Binash at binastos ang kapamilya actress na si Liza Soberano ng isang empleyado ng Converge, na kanyang dating internet service provider. Ang nasabing empleyado na nakilalang si Melissa Olaes ay nag-viral dahil sa kanyang komento na masarap umano ipagahasa ni Liza, matapos nitong mag-reklamo sa internet service at customer service ng kanilang kumpanya “Wala tayong magagawa, wala ng trabaho, kaya di bale ng masira ang image, magkapera lang. sarap ipa-rape sa mga….. ewan.” ang komento ni Olaes MELISSA OLAES. Don't forget the name. @Converge_CSU Mr. Dennis Uy your company needs some serious cleaning up to do. Rape is NEVER a joke. @lizasoberano @ogiediaz https://t.co/eEfSAwoUDF pic.twitter.com/cgv6bHVhCE — aiagie 🔆 (@betchaboux) September 20, 2020 “Don’t worry we won’t let this one pass.” Ito naman ang naging reaksiyon ni Liza Soberano sa "rape" comment ni Melissa Olaes patungkol sa kanya. Don’t worry we won’t let this one pass. They know my address.