Posts

Showing posts from September 19, 2020

Itinapon lang? Tilapia na lumutang sa Manila Bay wala na umanong kaliskis

Image
Samu't-sari ang naging reaksyon ng mga netizen matapos mabalita na may nangamatay na mga isda sa katubigan ng Manila Bay, Huwebes nang umaga. Isinisi ng mga ilan ang pangyayari  sa durog na dolomite na itinatambak sa baybayin ng Manila Bay. Ngunit sa isang litrato ay napansin ng mga netizen ang tila mga tilapia at bangus na lumulutang kasama ng iba pang isda sa nasabing litrato na kuha sa Baseco. Ngunit isang larawan ang napansin ng mga netizen na tila may mga tilapia na lumulutang sa katubigan ng Manila Bay. Ayon sa mga netizen ay hindi naman daw nabubuhay ang tilapia sa tubig alat. May ilan din netizen ang nakapansin na wala na ang kaliskis ng ilang tilapia na nakalutang kaya ang tingin nila ay may nagtapon lang ng mga isda sa karagatan. Langya nman tong mga ulol na ito, gagawa na rin lang ng katarataduhan pahalata pa. Saan kayang palengke to inorder ng... Posted by John Rollon Amasa on  Friday, September 18, 2020 Si Spox Harry Roque mismo ay nag-iisip kung m

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo

Image
Nakarating kay idol Raffy Tulfo ang video ng isang ginang na naglalaba sa kaniyang bakuran pero pilit na sinisita ng mga tanod dahil wala siyang suot na face mask. Nakausap mismo ni Tulfo ang labandera na nakilalang si Dina Mapayo na noo'y naglalaba sa kanila mismong bakuran at wala namang ibang tao na naroon sa lugar. "Hindi ko naman kailangan ng face mask habang naglalaba... Ang alam ko 'pag lumalabas mag-face mask," giit ni Mapayo sa mga awtoridad. Dahil sa di pagsusuot ng mask, pinagmumulta umano ng P1,000 ang pobeng labandera. Napaluha ang ginang dahil sa umano'y kalabisan ng mga awtoridad. Kumonsulta naman si idol Raffy Tulfo sa DILG upang maipaliwanag kung may nalabag nga ba ang ginang na naglalaba sa labas lang halos ng pinto ng kanilang bahay

Xyriel Manabat, trending online dahil sa kanyang transformation pictures

Image
Nakilala si Xyriel sa kanyang title role sa "Momay" ng ABS-CBN noong 2010 at bilang si Anna Manalastas naman noong 2011 sikat na seryeng "100 Days to Heaven." Ngayon siya ay nagdalaga na,  nagulat ang mga tagahanga ng dating child star na si Xyriel Manabat sa kanyang mga kaibig-ibig na mga larawan. Si Xyriel, na ngayon ay 16 na taong gulang, ay naghahanda na para sa kolehiyo. Sinimulan ni Xyriel ang kanyang karera sa showbiz matapos na sumali sa Star Circle Quest noong 2009. Kamakailan-lamang ay napanood siya sa seryeng "Wildflower" ng ABS-CBN bilang batang Lily / Ivy Aguas. View this post on Instagram Does it? ____ Lovely crop top from @wwwclothingph My fave flowy shorts from @kyle.abello @stnja Elegant necklace from @luxuriate.igph My first airpodssss from @inthepodmnl “👄💋💄” from @fleurbycallie A post shared by Xyriel Manabat (@xyrielmanabat_) on Sep 18, 2020 at 9:51am PDT

14-anyos dalagita, gin*hasa ng 2 lalaki, pero ang kaso hindi itinuloy ng magulang ng biktima

Image
"Sana yung hustisya. Ang problema lang siyempre sa hirap ng buhay, walang kakayanan na pambayad sa abogado kaya yung na lang, nakiusap sila na para wala nang problema," Isang 14-anyos na dalagita ang hinalay umano ng 2 lalaki na nakasama nito sa dinaluhang handaan sa San Carlos City sa probinsya ng Pangasinan. Ayon sa report, sinabi ng ama ng biktima na inaya ng kaibigan ang kanyang anak na dumalo sa isang birthday party sa San Carlos City. Pinainom umano ang kanyang anak at nang malasing ay dinala ng mga suspek sa isang bahay at tsaka doon na hinalay. Lumitaw na positibong nagalaw ang biktima, ayon sa resulta ng medico legal. Subalit, hindi na itinuloy ng pamilya ng biktima ang pagsasampa ng kaso laban sa mga suspek matapos na mag-alok ng perang nakakahalagangn P100,000 bilang pang-areglo. "Sana yung hustisya. Ang problema lang siyempre sa hirap ng buhay, walang kakayanan na pambayad sa abogado kaya yung na lang, nakiusap sila na para wala nang problema,&

White Sand Manila Bay Dinagsa ng daan-daang mga Migratory birds

Image
Pansamantalang binuksan at pinasilip sa media at mga vloggers ngayon araw ang maliit na bahagi ng Manila Bay para sa gaganapin na celebration ng International Coastal Cleanup Day sa September 20, 2020. Hindi pa man tapos ang Rehabilitation pero dinagsa na ito ng maraming Migratory Birds tulad ng mga Egrets o Tabon sa Bisaya. Nagpasalamat naman si Manila mayor Isko Moreno kay DENR Secretary Roy Cimatu sa kanyang tuloy-tuloy na pangunguna sa rehabilitasyon ng Manila Bay. Narito ang kanyang mensahe: "Muli po tayong nagpapasalamat kay DENR Secretary Roy Cimatu sa kanyang tuloy-tuloy na pangunguna sa rehabilitasyon ng Manila Bay.  Ang Lungsod ng Maynila ang isa sa mga pangunahing lugar na makikinabang sa inyong pagpupunyagi.  Sa ginanap na programa para sa International Coastal Cleanup Day sa Roxas Boulevard kanina, dumatin din po at nakiisa sina Agriculture Secretary William Dar, DOLE Secretary Silvestre Bello, DSWD Secretary Rolando Bautista at MMDA C