Posts

Showing posts from September 17, 2020

Coleen Garcia Nag-panic matapos magka-rashes sa mukha si Baby Amari

Image
Nagkaroon ng isang bagong karanasan bilang isang ina si Coleen Garcia, ayon sa aktres nagpanic siya ng makakita siya ng mga pantal sa mukha ng kanyang bagong panganak na si Baby Amari. “I just want to share. After a couple of days, he [Amari] started to get rashes and of course, I got so praning, " sabi ng aktres sa kanyang Instagram Story. "I showed them to our midwife, OB-GYN, and pediatrician, and they all said it's completely normal and that they go away on their own after some time," pagsasaad ni Coleen. Ngunit labis na naawa ang bagong ina sa kanyang sanggol kaya nilagyan niya ng kanyang breastmilk sa mukha si baby Amari, maliban sa mga mata. "Everything disappeared, except for the rashes sa eyes!" Sabi ni Coleen. Dahil gumana ito, napagpasyahan ni Coleen na lagyan din ang mga mata ni baby Amari. Sa isa pang Instagram Story, nag-post si Coleen ng isa pang larawan ni Baby Amari, na may caption na "and now he so makinis"

Mga patay na isda naglutangan sa Baseco sa Manila Bay

Image
Namumuting tubig at napupuno ng nangamatay na mga isda sa katubigan ng Manila Bay, Huwebes nang umaga,. Ito ang ibinahagi  ng netizen na si Regine Nequia, presidente ng Baseco Seaside Neighborhood Association (BASA), sa kanyang Facebook post, bagay na kanyang labis na ikinabahala. "Ngayon ka mapapaisip.. namumuti yung dagat tapos ang daming patay na isda, saan to galing?" sabi nito. Ngayon ka mapapaisip.. namumuti yung dagat tapos ang daming patay na isda, saan to galing?šŸ˜¢ Posted by Ghine Nequia on  Wednesday, September 16, 2020 Sinabi ni Regine Nequia na isang asosasyon ng mga mangingisda sa Baseco na tinanong niya tungkol dito at sinabi sa kanya ng mga ito na  ito unang pagkakataon na nakita nila ang mga patay na isda na lumulutang sa lugar. Subalit hindi ito unang pagkakataon ng fish kill sa Manila Bay. Noong Oktubre 2019, naglunsad din ang Department of Environment and Natural Resources ng imbestigasyon sa "massive fish kill" na naiulat

Manila Bay, Beach na Beach na!

Image
Puspusan ang pag-aayos ng Department of Environment and Natural Resources sa Manila Bay bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa International Coastal Cleanup sa September 19. As of September 17, Ganito na ang sitwasyon sa parte ng Manila Bay na tinatambakan ng puting buhangin na mula sa dinurog na dolomite. Ayon kay Usec. Benny Antiporda, hinahabol ang paglalatag ng puting buhangin sa Manila Bay para sa aktibidad sa Sabado. Pero latag man o hindi, tuloy aniya ang International Coastal Clean-up Day activity ng pamahalaan.

Matinding Panloloko sa Online Delivery, Naganap sa Las PiƱas

Image
Hindi bababa sa 10 na delivery riders ang nabiktima ng iisang scammer sa Pilar Village, Las PiƱas City. Isang "AJ Pande" ang nagpa-deliver umano mula sa isang food delivery service. Ayon sa witness na nag-upload ng larawan sa Facebook, iba-ibang number ang binigay ng customer sa mga rider pero iisang address lang ang sinabi niya "Nakwento sakin ng mga rider na pinick up po nila sa seller 'yung order ni AJ Pande.  Paiba-iba 'yung contact number na binigay ni AJ pero same address," ayon kay Natalie dela Cruz, ang may-ari ng viral na post sa social media. "Wala daw pong AJ Pande na nakatira sa [nakalagay na address]. Senior ang lumalabas sa bahay na iyon," dagdag ni Natalie. LOOK: Panloloko sa Online Delivery, naganap sa Las PiƱas City. Hindi bababa sa 10 na delivery riders ang nagkumpulan sa Pilar Village, dahil sa isang "AJ Pande" na nagpa-deliver umano mula sa isang food delivery service. #LPCUpdate Photo Courtesy: Natalie