Posts

Showing posts from September 15, 2020

Part 2 Best Friend ko Noon, Stepmom ko na Ngayon!

Image
Viral sa social media ang post ng anak na ipinakikita ang larawan ng dati niyang best friend na ngayon at karelasyon na ng sarili niyang ama Mismong siya pa ang nakahuli sa akto ng ginagawa ng kanyang ama at kanyang best friend na hindi maikakailang may relasyon. Kasama ang ina, dumulog na ito sa programa ni Raffy Tulfo dahil sa hindi na magandang nangyayari sa kanilang pamilya Napag-alaman pa nilang dalawang buwang buntis pa ang dating best friend at magkakaroon pa siya ng kapatid doon.

VP Leni Robredo: May Karapatan akong i-criticize ang gobyerno

Image
Binigyang diin ni Bise Presidente Leni Robredo nitong Martes na ang kanyang katayuan bilang isang mamamayang Pilipino ay nagbibigay sa kanya ng karapatang punahin ang mga aksyon ng gobyerno anuman ang kanyang katayuan bilang bise presidente ng Pilipinas. “Kahit hindi ako VP, kahit ordinaryong mamamayan lang ako may karapatan akong ipahayag ‘yung aking mga mungkahi. May karapatan akong mag-criticize if I need to criticize, kasi ‘yun ‘yung demands ng pagiging Filipino ko. And demands sa akin as a Filipino ay maging bahagi, maging bahagi ako sa nation building,” ito ang naging pahayag ni Vice President Leni Robredo sa interview sa programa na Quarantined with Howie Severino. Nauna nang inakusahan ni Robredo ang administrasyong Duterte na walang malinaw na direksyon habang nakikipaglaban ang bansa sa sakit na coronavirus 2019 (COVID-19) pandemya, isang sentimento na inulit niya sa panayam. “Kasi parang napaka-frustrating tingnan. Napaka-frustrating tingnan na ‘yun nga hindi mo al

Weather Update Bagyong Leon magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa

Image
Ganap nang isang bagyo ang Low Pressure Area (LPA) kagabi na binabantayan ng PAGASA. Ngayong umaga, lumakas pa ang bagyo at umabot na sa tropical storm category. Ang tropical storm “Leon” ay huling namataan sa layong 225 kilometers West Northwest ng Coron, Palawan. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras. Walang nakataas na tropical cyclone wind signal sa bansa Dahil sa bagyong Leon at sa Habagat, makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ngayong araw sa Aurora, Rizal, Palawan (kabilang ang Kalayaan, Calamian, at Cuyo Islands), Mindoro Provinces, Romblon, Western Visayas, at Negros Oriental. Mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang mararanasan sa Bicol Region, Caraga, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, Metro Manila, Isabela, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, nalalabing bahagi ng Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, at Visayas

Sen. Hontiveros at Kiko, Tutol sa pagtatayo ng DITO Telcom towers sa mga kampo ng militar

Image
Inalmahan nina Senatod Risa Hontiveros at Senador Kiko Pangilinan ang pahintulot ng Department of National Defense  na makapagtayo ng towers sa mga kampo ng militar ang 3rd telco na DITO Telecom. Pinabibilisan na ng senadora sa Senado ang imbestigasyon tungkol sa posibleng epekto sa seguridad sa pagtatayo ng towers sa loob ng kampo ng militar. “Kailangan mabusisi ang kasunduang ito kasi mahirap paniwalaan na walang pansariling interes ang Tsina sa pagtayo nito ng cell sites sa sarili mismo nating military camps.  Wala bang ibang cell sites?  Bakit kailangan sa military bases?  It’s as if the Chinese state itself is present within our military camps.  Our national security is at risk here. In Article 7 of the Chinese National Intelligence Law, obliged ang mga Chinese corporations na tulungan ang gobyerno nila sa data and intelligence-gathering efforts” pahayag ni Sen. Hontiveros. Iginiit naman ni Senator Francis Kiko Pangilinan kay Defense Secretary Delfin Lorenzana na

Weather Update LPA Bagyong ‘Leon’

Image
Isang low pressure area (LPA) na nasa silangang bahagi ng Visayas ang magpapaulan sa bansa sa linggong ito. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), posible itong maging ganap na bagyo pagtawid sa Southern Luzon at bago lumabas ng Philippine area of responsibility (PAR). Sakaling maging ganap na bagyo ay tatawagin itong Bagyong ‘Leon’. Huling namataan ang Low Pressure Area sa 225 kilometro hilagang kanluran ng Catarman, Northern Samar. Makararanas ng maulap na panahon at kalat kalat na pag-ulan na may kasamang kidlat ang Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region at Aurora dahil sa Low Pressure Area (LPA).. Sa nalalabing bahagi ng Luzon ay makararanas ng maulap na panahon at kalat kalat na pag-ulan.

Online Class Maaaring Suspendihin ayon sa DepEd

Image
Maaaring suspendihin ang klase sakaling mawalan ng kuryente sa mga lugar kung saan pinili ng mga estudyante ang learning modality na online classes, ito ay pahayag ni DepEd Usec. Diosdado San Antonio "Since normally, ang suspension marami kapag maulan wala ng pasok.... Personally, ang tingin ko dapat walang pasok sa araw ng bagyo pero hindi siya kasing haba nang dati. Pero 'yung atin na class suspension on the account of heavy rain, hindi na siya mangyayari," sabi sa virtual briefing ni San Antonio. “Only for those doing online, but for those doing the printed self-learning modules, talagang ‘yung araw lang ng bagyo siguro saka ‘yung araw na nag-aayos pa ‘yung mga bahay, pero ‘pag ready na, hindi na extended ‘yung disruption sa pagpasok ng mga bata,” dagdag pa nito. Ayon din kay San Antonio ang mga LGU o local government unit ang magdedeklara ng class suspension sa kanilang lugar.

First Video ng baby ni Coleen Garcia at Billy Crawford; Mga Netizens may Napansin

Image
Nanganak si Coleen Garcia sa edad na 27 nitong ika-10 Setyembre ng umaga. Sa pamamagitan ng water birth sa bahay isinilang ni Coleen ang panganay nilang anak ni Billy Crawford na si Amari. “There’s so much I wanna say, but for now, I just want to praise God for being so so good. Thank you, Lord, for our beautiful Amari,” sabi ng aktres sa kaniyang caption sa mga larawan na kaniyang ipinost sa IG. Kamakailan lamang, nag-upload ang dating host ng "It's Showtime" ng maikling video na ipinapakita ang kanyang panganay na sanggol na si Amari na nakabalot ng kumot nitong Lunes. Napaka-cute ng sanggol kaya hindi napigilang mag-comment ng mga tagasuporta ng kanyang magulang. Narito ang ilan sa mga reaksyon ng mga netizens: "Little coleen" -Letty Tanay Ramintas "ang cute💕💕little coleen" -May-ann Francisco "Mini -me of colleen. Ang cute😘😘😘😘❤️" -Aiai Bacayo Fajardo "So gnyan pla muka nya nung baby p c coleen"

South Korean Actress na si Oh In Hye, Pumanaw na

Image
Pumanaw na ngayong Setyembre 15, ang 36-anyos Korean actress na si Oh In Hye. Ayon sa report, sa isang ospital sa Incheon binawian ng buhay ang aktres. View this post on Instagram 👋🏻 A post shared by 오인혜 (@5inhye) on Mar 4, 2020 at 2:39am PST Naglabas na rin ang Soompi tungkol sa burol ng aktres sa Inha University Hospital. Anila, “The late Oh In Hye’s funeral visitation has been arranged at our hospital.” Sa imbestigasyon ng Incheon Yeonsu Police Station at Incheon Songdo Fire Station, naabutan ng mga ito ang 36-anyos na aktres bandang alas-5 ng umaga na inaatake sa puso sa bahay nito sa Songdo International Business District sa Incheon. Dinala sa malapit na ospital si In-Hye ngunit hindi na ito gumising at tuluyan nang pumanaw Ayon pa sa isang kaibigan ng aktres, tumawag na ito sa pulis dahil hindi umano sila sinasagot ni Oh In Hye. Sinabi ng isang police spokesperson na maaari raw sinubukan ni In

Dating Manila Mayor Lito Atienza Binanatan ang Manila Bay white sand project: “Walang kwentang Proyekto”

Image
Muling binanatan ni Buhay-partylist Representative at dating alkalde ng Maynila na si Lito Atienza ang proyekto ng Department of Environment and National Resources (DENR) kung saan ay naglalagay sila ng artificial white sand sa baybayin ng Manila Bay Sa naging panayam kay Atienza, isa umanong pag aaksaya ng pera at walang ka kwenta kwenta ang ginagawang proyekto sa Manila Bay. “A complete waste of public funds on a worthless project,” sabi ni Atienza. Ayon pa kay Atienza, masasayang lamang umano ang binubuhos na white sand sa Manila Bay dahil isang malakas na bagyo lamang umano ang tatangay sa mga white sand na inilalagay ng DENR. Sinabi pa ni Atienza na kahit anong pagpapaganda umano ang gagawin nila sa Manila Bay hindi umano nila malilinis ang napakaruming tubig sa nasabing dagat. “No amount of pretentious face-lifting can change the fact that Manila Bay’s marine and coastal ecosystems are practically dead – because its waters have been overwhelmed by fecal coliform,” s