Posts

Showing posts from September 14, 2020

Misis, Nagpabuntis sa katropa ni mister, ipina-Tulfo

Image
Nagreklamo ang isang mister kay idol Raffy Tulfo  matapos malaman nitong niloko siya ng kanyang misis. Nalaman kasi ni mister si misis na nag pabuntis sa kanyang katropa. Paliwanag naman ni misis, binubugbog daw siya at babaero umano si mister kaya niya nagawang makipag-relasyon sa tropa nito na kasalukuyan niyang kinakasama. Ang hiling nalang ni mister ay mapunta sa kanya ang kanilang mga anak, ngunit hindi pumayag si misis.

Paano Ma-avail ang P150,000 Tuition Loan sa LandBank

Image
Magandang balita po mula sa ating gobyerno. Ang Landbank of the Philippines ay mag papautang ng 150,000 sa isang estudyante para tuition fee Ito po ay ayon po sa programa ng gobyerno na i-STUDY o Interim Students' Loan for Tuition toward Upliftment of Education for the Development of the Youth. Sino ang qualified at ano ang requirements? Pwedeng mag-avail ang mga sumusunod: Magulang Guardian Mga benefactors ng mga estudyante Dapat ay may combined net take-home pay after loan amortization na P20,000 sa kada estudyanteng na-enroll. Upang maging qualified kailangan ang mga sumusunod: Hindi lalagpas ng 30 ang edad ang estudyante, Isang incoming student na nag-qualify ayon sa admission and retention requirements; at Ang paaralan o technical vocational institution ay accredited ng CHED, TESDA o DepEd. HINDI rin dapat sila benepisyaryo ng Universal Access for Quality Tertiary Education Act of 2017, o ng kahit anumang scholarship o programa na mayroong free tuition f

Anak ni Karen Davila, sinugod sa ospital

Image
Isinugod sa emergency room ang anak ng beteranang brodkaster na si Karen Davila, matapos na makaranas ito ng seizure. “Yesterday afternoon, my husband DJ & I arrived from an overnight trip to Sorsogon. Our son David welcomed us at our condo lobby… when out of the blue, he just started having a full blown seizure!” sabi ni Davila sa kanyang Instagram post. Idinagdag niya na habang ang seizure ay karaniwan lang sa mga batang may autism, ang kanyang anak na si David ay hindi kailanman nakaranas nito. “He has only had one scary episode when he was 7 yrs old,” sabi niya. “Thank God for my husband & the first responders of our condo lobby. They were fast thinkers, equipped to assist & knew what to do to make sure he would stay alive. And all I did was shout the name of our Lord Jesus Christ non-stop, asking HIM to heal & save David,” sabi niya. “And this is why I am sharing this. I thank our Lord Jesus Christ for saving David yesterday. David slowly woke up an

Top 10 nakakalasong halaman na dapat iwasan kung mayroon kayong alagang aso at pusa sa bahay

Image
Nangongolekta ka pa ba ng mga halaman para sa iyong bahay ngayong panahon ng pandemya? Kung mayroon kang mga alagang hayop sa bahay lalo na ang mga pusa at aso, dapat mong subukang iwasan ang mga halaman na pwedeng maka-irritate sa kanila. Ang Paws Daily, isang pet advocate website ay nagbahagi ng top 10 plants na nakakalason ng mga aso at pusa na dapat iwasang ng mga may-ari ng mga alaga. Tingnan ang mga ito sa ibaba:

60 DITO Telecom Towers Itatayo sa South Cotabato at GenSan

Image
Kinumpirma ng 3rd telco ng bansa, ang DITO Telecom sa media na target nila ang magtayo ng hindi bababa sa 60 cellular site towers sa South Cotabato. Itatayo ng DITO Telecom ang nasabing mga tower sa iba`t ibang bahagi ng South Cotabato matapos bigyan ng national government ang kumpanya ng 25 taong prangkisa upang magpatakbo ng isang telecommunications business sa bansa. Ayon kay HXPT SAQ Manager na si Vincent Villarosa, plano ng kumpanya na magtayo ng hindi bababa sa 60 DITO Towers sa South Cotabato pati na rin sa General Santos City sa mga susunod na buwan. Nilinaw ni Villarosa sa isang panayam na ang paghahanap ng mga sites para sa pagtatayo ng DITO Towers ay batay sa company's network plan at hindi sa pamamagitan application process. Sinabi ng DITO Telecom na ang mga kinatawan ng kumpanya na nasa iba't ibang bahagi ng Mindanao ay lalapit sa mga land owners kung ang kanilang mga lote ay papasok sa nasabing mga nominal point o hindi bababa sa 300 metro sa loob ng

Yorme Isko kay Karen Davila: “Nakuha lang atensyon niyo dahil White Sand! Eh Paano kung Black Sand?”

Image
Muling nakuha ang pansin ng mga netizen ni Manila City Mayor Isko Moreno matapos ang isang  interview sa Kapamilya journalist na si Karen Davila tungkol sa isyu ng rehabilitasyong Manila Bay. Sa panayam, pinag-usapan ng dalawa ang tungkol sa kontrobersya na kinakaharap ng nasabing proyekto, kasama na ang desisyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na maglagay ng artipisyal na white sand na gawa sa Dolomite sa baybayin ng Manila Bay. Sinabi ni Yorme na ang nasabing proyekto ay nagsimula dalawang taon na ang nakalipas at ang badyet nito ay naaprubahan ng mga mambabatas. “So these lawmakers, I understand their feelings. But remember, they are part of the approval of the 2020 budget last year and it was presented to them one way or another,” sabi ni Mayor Moreno. “Third, timeless. Eh two years ago pa ito eh. Hindi ito sinimulan nang isang linggo, isang buwan o nung January, this is two years ago,” dagdag nito. Kinuwestiyon din ni Yorme ang pansin na n