Posts

Showing posts from September 12, 2020

Mga Pangalan ng 89 barangay tserman, na suspendido dahil sa anomalya sa SAP

Image
Suspendido ang 89 kapitan ng barangay sa loob ng anim na buwan dahil sa mga anomaliya sa distribusyon ng first tranche ng Social Amelioration Program (SAP). Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, ang mga naturang kapitan ng barangay ay pinatawan ng anim na buwan na preventive suspension ayon sa desisyon ng Office of the Ombudsman. Ito’y bilang aksyon sa naging reklamo ng Department of Interior and Local Government sa kuwestiyonableng opisyal. “Naway magsilbing babala ang suspensiyon na ito sa iba pang mga lokal na opisyales. Ang katiwalian ay walang puwang sa ating pamahalaan lalong-lalo pa ngayong panahon ng pandemya,” saad ni Año. Narito ang listahan ng mga suspendidong opisyal: Ilocos Region Jason C. Dominguez ng Barangay Nagsayaoan, Sta. Maria, Ilocos Sur;  Marino Cabados Cirilo, Sr. ng Barangay Cadacad, Narvacan, Ilocos Sur;  Antonio Delos Santos y Cachero ng Barangay Laslasong West, Sta. Maria, Ilocos Sur;  Elmer Castillo Abenojar ng Barangay Guesset, Naguili

Mensahe ni Asec. Celine Pialago sa bashers ng white sand: Bakit noong madumi ang Manila Bay wala ni isa ang nagmalasakit?

Image
Viral sa social media ang Facebok post ni MMDA Spokesperson Celine Pialago kaugnay sa mga kontra sa proyektong paglalagay ng white sand sa baybayin ng Manila Bay. “Bakit noong madumi ang Manila Bay wala ni isa ang nagmalasakit? Kahit na alam nating mas delikado sa kalusugan ang basura? Ngayong pinapaganda lahat nangingialam? Wow a! Just wow! ” sabi ni Pialogo. Rekalmo ng mga netizens kung bakit mas inuna pang pagkagastusan ng ilang milyones ang white sand project kaysa idagdag sa ayuda para sa mga hindi pa nakatanggap ng financial aid ng gobyerno ngayong panahon ng pandemya. Narito ang sagot ng MMDA Spokesperson: "Bakit noong madumi ang Manila Bay wala ni isa ang nagmalasakit?  Kahit na alam nating mas delikado sa kalusugan ang basura?  Ngayong pinapaganda lahat nangingialam? Wow a! Just wow! 😡 Mag cocomment ako, kasi MMDA ang isa sa mga ahensya na araw araw naglilinis ng basura ng mga balahurang Pinoy at mapanamantalang establisyemento, 30-45 trucks ng basura la

Dahil sa mahinang signal, lolo gumawa ng silid-aralan sa itaas ng puno para sa online class ng apo

Image
Ang mahinang cellphone signal ang isa sa suliranin ng mga nakatira sa mga liblib na bahagi ng isla sa Guimaras. Ito ngayon ang isa sa kinakaharap na problema ng nagbabalik-eskwela na isang grade 12 student na si Jennylyn Mae Casipit sa kanyang online class. Kabilang kasi ang 1- anyos estudyante na si Jennylyn Mae Casipit, sa mga mag-aaral na ang tahanan ay di biniyayaan ng malakas na cellphone signal. Dahil dito gumawa ng isang improvised na silid-aralan ang kanyang lolo, na si Florentino “Tino” Bernadas. Ayon sa 72-anyos na lolo hindi sapat na dahilan ang kawalan ng signal para isuko ang edukasyon ng kanyang pinakamamahal na apo. Para solusyonan ang problema ng signal, ang kanyang silid-aralan ay itinayo ni lolo sa itaas ng isang puno, kung saan malakas ang sagap ng signal ng cellphone. Kaya ngayon, hindi na problema ng estudyante ang kanyang oline class na bunga ng suspensyon ng face-to-face na pag-aaral dahil sa pandemya.

Jinkee Pacquiao binigyan umano ng 100K financial aid si Heaven Peralejo ayon kay Lolit Solis

Image
Kinalampag ni Lolit Solis ang mga netizens sa kanyang Instagram post tungkol sa aktres na si Heaven Peralejo. Sa kanyang IG binahagi ng talk show host at entertainment news writer ang balita tungkol sa aktres na humihingi ng tulong kay senador Manny Pacquiao. Matatandaang si Heaven Peralejo ay dating kasintahan ng anak nina Manny at Jinkee Pacquiao na si Jimuel Pacquiao. Sa kanyang online post, ipinahayag ni Lolit ang kanyang pag-aalala tungkol sa pakikipag-ugnay sa aktres kay Manny sa halip na kay Jinkee. "May balitang humingi daw ng tulong si Heaven Peralejo kay Champ Manny Pacquiao Salve." Narito ang kanyang buong post: "May balitang humingi daw ng tulong si Heaven Peralejo kay Champ Manny Pacquiao Salve. Dating BF ni Heaven ang anak na lalaki ni Champ Manny kaya at least magka kilala sila, pero ang hindi maganda at baka malagyan ng malisya iyon kay Champ Manny nag text si Heaven.  Sana dahil isa siyang babae, kay Mama Jinkee siya humingi ng ayud

Pagsalpok ng SUV sa isang delivery truck, nahuli sa Dashcam

Image
DOA o Dead on arrival sa isang ospital ang driver ng isang SUV na sumalpok sa isang 10-wheeler delivery truck sa Lucena City. Nangyari ng insidente pasado 10 AM nitong Sabado. Bago ang insidente, nakunan pa ng dashcam ng sasakyang sumusunod sa van ang buong pangyayari. Ligtas naman at kasalukuyang nasa kustodiya  ng Lucena City Police Station ang driver ng delivery truck. Ligtas din ang pahinante ng delivery truck. Posibleng dahil sa madulas na kalsada dulot ng pag ulan ang sanhi ng aksidente.

Tolongges huli sa aktong dumudumi sa Manila Bay, inaresto

Image
Arestado ang isang lalaki matapos itong maaktuhang dumudumi sa Manila Bay ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Benny Antiporda habang nagsasagawa ng clean-up drive ngayong Sabado, Setyembre 12, 2020. Aagad itong sinita ni Usec. Antiporda, sinermonan at pinahuli ito sa mga pulis. Katwiran ng lalaki, hindi na niya kinaya kaya naisipang maglabas ng ‘ sama ng loob ’ sa nirerehabilitate na Manila Bay. “Hirap na hirap kami kalilinis. Tinataehan mo? Bawal nga ‘yun eh kahit sa tubig ka tumae,” gigil na pahayag ni Usec. Antiporda habang kausap ang lalaki na hindi pa nakikilala.

Singer na nagsabing mahirap mahalin ang Pilipinas naka "One on one" ni Yorme Isko

Image
Kamakailan ay naging kontrobersyal ang naging pahayag sa social media ng singer at aktres na si Lea Salonga. Sa kanyang official Facebook page, isang maikling mensahe para sa bansang Pilipinas ang kanyang ipinost pero tumatagos ito sa puso. Ramdam ang matinding disappointment ni Lea, 49, sa kanyang maikling Facebook post ngayong Lunes ng umaga, June 15. Aniya, “Dear Pilipinas, p***** ina, ang hirap mong mahalin.” Bukod dito, may isa pa siyang post na, “I hate this year. I really, really hate this year.” Ms. Lea Salonga on The Capital Report, FB Live now :) Ms. Lea Salonga on The Capital Report, FB Live now :) pic.twitter.com/Qq4B4tevec — Isko Moreno Domagoso (@IskoMoreno) September 11, 2020