Posts

Showing posts from September 11, 2020

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

Image
Lumapit ang sikat na vlogger na si Donnalyn Bartolome sa kilalang psychic na si Rudy Baldwin kaugnay sa naging vision nito taong 2019. Ito ay matapos kumalat sa Facebook ang kontrobersyal na vision ng sikat na psychic tungkol sa dalawang pinoy na vlogger. Sa nasabing vision ni Baldwin, sinabing isang magandang vlogger ang maaaksidente. "ISANG MAGANDANG VLOGGER DIN MAGKAROON ITO NG AKSIDENTE NAKAKALUNGKOT BUHAY SYA KASO MATINDI ANG INJURED NA DINANAS NYA KUMBAGA ANDYAN DALA DALA NYA ANG BAKAT NG TRAHEDYA .KAILANGAN MAGING MAINGAT TAYO SA BAWAT GALAW NATIN AT HUWAG MAKALIMOT NA PALGING MAGDASAL LANG." DECEMBER 7:2019 POSTED VISSION PARA SA MGA VLOGGER SA YOUTUBE ANG PAGE NTO AY ME.273K PLUS OF LIKES AT 290K PLUS OF... Posted by RUDY Baldwin on  Saturday, December 7, 2019

60-day grace period sa mga loan payments kasama sa Bagong Bayanihan Law

Image
Linagdaan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2. Ito ang panukalang batas na naglalaman ng P165 bilyong pondo na ipang-aayuda sa mga naapektuhan ng COVID-19. Nakapaloob sa Bayanihan to Recover as One Act ang P165-bilyong pondo para sa pagpapatuloy ng pagtugon ng pamahalaan sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic gayundin sa pagbili ng bakuna laban sa virus. Matatandaang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kaya natagalan ang Pangulo sa paglagda sa bagong batas dahil inaaral pa ito ng ehekutibo. Sa ilalim din ng naturang batas, bibigyan ng 60-araw na moratorium ang mga may utang sa bansa habang 30-araw naman na palugit sa mga hindi nakapagbabayad ng kuryente, tubig at renta ng bahay o pwesto sa ilalim ng MECQ o ECQ.

"Laban" Mga kababalaghan sa Video ng Raffy Tulfo in Action, Pina-iimbestigahan na

Image
Hindi lang isang beses kundi umabot na sa tatlo ang mga video sa programang 'Wanted sa Radyo' ni idol Raffy Tulfo kung saan may maririnig na nakakakilabot na boses. Sa episode na "Naiyak si Mr. nang madiskubre ang lihim ni Mrs. at 2 nilang kapitbahay", ang unang napansin ng mga netizens na may bumulong umano ng 'give and take' ang sumunod naman na episode ay "laban" ang narinig ng mga netizen at ang pinakahuli ay ang episode kung saan inireklamong muli si Tim Sawyer ay "Nak mo yan" naman ang bulong. Dahil sa pangyayari, nagsimula nang magkwento ng mga kababalaghang karanasan ang mga staff ng RTIA sa bago nilang opisina. Upang matapos na ang isyu, lumapit na sa isang sound/audio expert at paranormal expert si idol Raffy Tulfo para paimbestigahan ang pangyayari. Ayon sa paranormal expert, mayroong pagkakataon daw talaga na ang mga 'hindi pa natatahimik' na mga kaluluwa ay naririnig sa mga video at recordings.

Tumakas na tulak ng dr*ga, inihatid ng sinakyang taxi driver sa presinto

Image
Arestado sa Mandaluyong ang tatlong suspek na sangkot umano sa droga. Nagpumiglas hanggang makatakas sa mga pulis ang isa sa mga dr*g suspek na si Jose Glen Perez agad siyang nakapara ng taxi. Pero nang makita ng driver ng taxi ang suot na posas ng suspek, dinala siya nito sa pinakamalapit ng presinto. Dito hindi na niya naitanggi ang pagkalulong niya sa droga. Nakuha sa kanya ang mahigit P13,000 halaga ng shabu.