Posts

Showing posts from September 10, 2020

Raffy Tulfo uminit ang ulo nang madiskubre ang katotohanan sa PWD na kanyang dating tinulungan

Image
Nadiskubre ni idol Raffy Tulfo ang buong katotohanan tungkol sa pagkatao ni Sammy Agustin, ang person with disability (PWD) na nagviral na sinaktan ng isang tricycle driver. Umamin na noon ang tricycle driver na si Julius De Leon na napikon umano siya noon kay Sammy kaya nagawa niya itong saktan. Bilang isang PWD  nakuha ni Sammy ang simpatya ng publiko at lumabas na masama ang tricycle driver. Ngunit dahil patas ang programa ni  idol Raffy Tulfo, nagsagawa sila ng pag-iimbestiga at pagtatanong tungkol sa pagkatao ng PWD. Sa pag-iimbestiga ng RTIA napag-alaman nilang napakarami pala nitong di umano'y mga kalokohang nagagawa. 

Babaeng naanakan umano ni Tim Sawyer, Nagreklamo kay Raffy Tulfo

Image
Umiiyak na humingi ng tulong si Winhelyn Romero sa programa ni idol Raffy Tulfo. Sinasabing siya ang ina ng anak ng sikat na vlogger na si Tim Sawyer. Kwento ni Winhelyn, nagkaroon sila ng relasyon ni Tim Sawyer taong 2007 at nagsama sa iisang bubong sa loob ng isang taon sa Cagayan de Oro kung saan nabuntis umano siya nito. Dagdag pa ni Winhelyn, nang malaman umano ni Tim ang tungkol sa kanyang pagbubuntis ay nanlamig na umano sa kanya ang lalaki. Depensa ni Tim Sawyer, hindi siya ang ama ng bata lalo pa at sa dating kinakasama ni Winhelyn nakapangalan ang bata.

Frontliners nakunang nagpapahinga sa damuhan, ala-una ng madaling araw sa Sagay City

Image
Nakunan ng larawan ng isang netizen ang isang grupo ng frontliner sa Sagay City, Negros Occidental habang nagpapahinga sa damuhan, ala-una ng madaling araw noong Sabado, Setyembre 5. Ayon sa nagbahagi ng larawan na si Jack F. Gallardo, mula pa sa buong araw na trabaho ang rescue team na umaalalay sa mga suspected at coronavirus disease (COVID-19) patient sa kanilang lugar. Sila rin ang mga nagreresponde sa mga emergency cases. "We can never pay kindness with money," ang sabi pa niya sa kanyang Facebook post. “I’m so proud of them. Since day 1 wala akong narinig na hinanakit o reklamo sa kanila. Naniniwala kasi ang tropa na we are all heroes in our little way of helping our community,” saad ni Jack. Ibinahagi raw niya ang larawan hindi para kaawaan ang mga frontliners ngunit upang isama sila sa mga dasal. “We need to pray for all frontliners na may tunay na puso magserbisyo para sa community,” dagdag pa niya.

Magandang 9-buwang buntis na naglalakad, dinakma ang dibdib ng isang motorista huli sa CCTV

Image
“To you, Mr. Manyak, rot in hell. I almost gave birth dahil sa stress at shock.” Isang babaeng 9-buwang buntis na naglalakad pauwi matapos mamili ng pan de sal, ang dinakma sa dibdib ng isang 'di pa kilalang motorista na nagtanong ng tamang daan sa kanilang subdivision sa Taguig. Aniya, muntikan na raw siya manganak dahil sa takot at galit na dinulot ng insidente. Pinaghahanap na raw ng mga kinauukulan ang salarin. GROPER ALERT 😣😭 TANGINA NG MGA MANYAK. FAQS: What I'm wearing: -PLAIN WHITE T-SHIRT -PLAIN MATERNITY SHORTS -I'M 9 MONTHS PREGNANT WHERE DID THIS HAPPENED? • USUSAN TAGUIG CITY. THEN NANGYARE TO. SOBRANG TRAUMATIC. Kita naman sa video na naglalakad na ako pauwe, dala yung pandesal. Nakababa yung mask ko ng slight kasi umiinom ako ng juice, typical pregnant women nauuhaw. walang tao sa area AS IN, kung meron man po di ko ibaba yung mask ko.  Anyway, this man approached me, kita sa vid para daw mag tanong kung saan yung address na si

Mga Radio at TV Frequencies ng ABS-CBN Binawi na ng NTC

Image
Makalipas ang dalawang buwan ng ibasura ng Kamara ang hirit na prangkisa ng ABS-CBN. Binawi na ng National Telecommunications Commission (NTC) ang radio at TV frequencies ng giant network na ABS-CBN. Ayon sa NTC, walang valid na prangkisa ang ABS-CBN para ipag-patuloy pa ang kanilang operasyon at pag-broadcast sa TV at radyo. Matatandaang Mayo 5 nang unang maglabas ang NTC ng cease and desist order sa operasyon ng radyo at telebisyon ng ABS-CBN kung saan binawi rin naman ito ng NTC dahil inaprubahan naman ng Kamara ang provisional authority ng istasyon.

Coleen Garcia Nanganak na, Billy Crawford Daddy na!

Image
Finally isinilang na ni Coleen Garcia ang kanilang first child nila ni Billy Crawford na si baby Amari ngayon September 10 2020, bandang 6:33 ng umaga. Ayon kay Coleen matapos ang kanyang 4 na oras na pag-lalabour ay isinilang na niya ang kanialang baby boy at naghintay pa sila ng isang oras para matanggal ang inunan nito. Ibinahagi ito mismo ni Coleen Garcia sa kanyang social media account kasama ang larawan niya habang nanganganak ito sa pamamagitan ng water birth sa kanilang bahay sa Quezon City habang nasa kanyang tabi ang kanyang asawa na si Billy Crawford. Ipinakita din ni Coleen ang kanilang malusog na baby boy na si Amari. View this post on Instagram There’s so much I wanna say, but for now, I just want to praise God for being so so good. Thank you, Lord, for our beautiful Amari ❤️ A post shared by Coleen Garcia Crawford (@coleen) on Sep 10, 2020 at 1:42am PDT

Coronavirus may kakayahang salakayin ang utak ayon sa pag-aaral

Image
Ang pananakit ng ulo, pagkalito at delirium na naranasan ng ilang mga pasyente ng Covid-19 ay maaaring resulta ng coronavirus na direktang sumalakay sa utak, ito ayon sa isang pag-aaral na inilathala noong Miyerkules. Ang research ay nasa preliminary stage pa lamang  - ngunit ito ay nagbigay ng mga katibayan na sumusuporta sa naunang teorya. Ayon sa lathala, na pinangunahan ng Yale immunologist na si Akiko Iwasaki, ang virus ay kayang magparami sa loob ng utak ng tao, at unti-unti nitong inuubos ang mga brain cells sa pag starve nito sa oxygen na kailangan ng utak. Pinuri naman ni S Andrew Josephson, ang pinuno ng neurology department sa University of California, San Francisco, ang mga techniques na ginamit sa pag-aaral at sinabi na "understanding whether or not there is direct viral involvement of the brain is extraordinarily important." Ngunit idinagdag niya na mananatili siyang maingat hanggang sa sumailalim sa pagsusuri ang lathala. Sa pinakahuling datos ang