Posts

Showing posts from September 9, 2020

Pagkaloob ng Pardon ni P-Noy sa isang British dr*g trafficker sa Pilipinas ikinwento ni Jay Sonza

Image
Pinagkalooban ni Pangulong Rodrigo Duterte ng absolute pardon si U.S. Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton na nakapatay sa transgender woman na si Jennifer Laude noong 2014. Guilty sa kasong homicide si Pemberton matapos nitong tapusin ang buhay ng transgender woman na si Jennifer Laude noong 2014 sa loob ng isang motel sa Olongapo. Maugong na maugong ang balita at marami ang nagalit at kumuwesyon sa naging desisyon ni Pangulong Duterte sa pagkakaloob nito kay U.S. Lance Corporal Joseph Scott Pemberton ng absolute pardon. Dahil dito may pinaalala ang batikang host na si Jay Sonza sa kanyang Facebook account: "Let me refresh your memory. In December 21, 2011 Pres. Benigno Simeon Aquino III granted (executive clemency) pardon to Mr. William Robert Burton, a British national. The foreigner is a convicted criminal serving jail term in the Philippines.  William Robert Burton was charged, convicted and imprisoned for the crime of illegal drug trafficking. *

Isang SUV Nahulog sa Dagat sa Manito, Albay

Image
Diretso sa dagat ang isang SUV matapos mabangga ang concrete barrier sa pantalan sa Manito, Albay. Base sa imbestigasyon galing sa Legaspi City ang SUV ng bigla itong lumiko pakaliwa papunta sa seaport. Aksidente raw nitong nabangga ang concrete barrier, at tuluyang dumiretso papunta sa dagat. Naiahon naman ang SUV gamit ang isang crane. Nagtamo lamang ng minor injury ang babaeng driver ng SUV.

Francis Leo Marcos natagpuan umanong walang buhay sa kanyang selda?

Image
Mariing itinanggi ng kampo ni Norman Mangusin, AKA as Francis Leo Marcos (FLM) ang balita-balitang natagpuan umano itong walang buhay sa loob ng kanyang selda. Ang balita ay nagsimula sa ilang mga Facebook groups na sumusuporta kay Mangusin na kasalukuyang nakakulong sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City dahil sa multiple charges. Ayon sa post, ang social media sensation ay natagpuang walang buhay dahil sa bangungot. Ang netizen na nag-post ng nasabing balita ay gumamit ng edited na larawan ng GMA News upang kumbinsihin ang mas maraming tao na maniwala sa balita. Gayunpaman, itinanggi ito ng sekretarya ni Mangusin na si Yhama Dela Cruz Tan  at sinabi na ang kanyang boss ay buhay pa. “TAMA YAN MANGATOG NA KAYO LAHAT KAYONG NAG WALANG HIYA NAGTAPON NG PUTIK SA PAGKATAO NG AMO KO!!!! KARMA IS ON YOUR WAY!!!” sabi ni Tan. Nagpahiwatig din siya ng isang ligal na aksyon laban sa mga taong nagkakalat ng maling balita tungkol kay Mangusin.

Truck Driver na sinasabing anak ni John Regala, naluha sa kanilang DNA test result

Image
Matapos ang ilang linggo, lumabas na ang DNA test result na isinagawa sa aktor na si John Regala at ang truck driver na nagsasabing anak siya nito na si John Paul Santos. Itinanggi dati ni Regala na hindi niya anak si Santos ngunit nang muli siyang ma-interview ni idol Raffy Tulfo, 50/50 na raw siya rito. Ayon kay Santos, nagkakilala ang kanyang ina at si Regala sa Japan kung saan daw siya nabuo. Ang mga netizens mismo ay umaasa na positibo ang naging resulta ng DNA ng dalawa dahil sa malaki raw ang pagkakahawig ng dalawa. Hindi naman napigilang maluha ni John Santos nang sabihin na ni idol Raffy ang DNA test result ng dalawa. Sa kasamaang palad ay 'negative' ang resulta ng DNA test nila. Dahil dito, hindi napigilang maluha ni John Santos, at nabigo naman ang dating aktor dahil umasa rin siyang anak niya nga ito. Kahit na naging negative ang resulta, handa daw si Regala na panindigan ang pagiging ama kay Santos.

Isa pang Babae sa buhay ng viral pulis na na-KMJS lumantad na rin

Image
Tila mas lumalaki pa ang kontrobersya na kinakaharap ng viral pulis na si Joebert Lacea matapos itong maitampok sa 'Kapuso Mo Jessica Soho'. Matapos kasi ang nakakakilig na episode ng programa kung saan pinalabas ang love story ng pulis at ng nobyang si Richelle Amorcilla ay sunod-sunod na lumantad ang mga umano'y babae ni Joebert. Sa kabilang banda, tila hindi sinabi ng pulis ang kabilang panig ng kuwento. Lumabas kasi na hindi lamang iisa ang babae sa buhay niya, ngunit mayroon pang iba. Isang dalaga na nagngangalang Angelyn Quieta Villanueva ang nag-upload ng mga screenshot ng pag-uusap nila ng pulis. Sa nasabing convo, napaka-sweet ng lalaki at tinawag pa rin siyang "myloves". Palagi niya itong ina-update upang hindi maisip ng sinuman na manloloko siya o kung ano man. Uy Angelyn Quieta Villanueva (ka boardmate nko sauna)😁featured lgi ka ayyyy😉keep safe ange😆i shout out sad ko if naa nkas kmjs😉 Posted by Roxan Cinco Jorillo on  Mond

Viral Pulis na na-KMJS, dapat managot sa pagbigay nito ng kanyang lokasyon sa nobya ayon sa isang grupo

Image
Hindi ikinatuwa ng isang grupo ang nag-viral na love story ng pulis na si Joebert Lacea at ng nobya nitong si Richelle Amorcilla na naitampok pa sa 'Kapuso Mo Jessica Soho' kamakailan. Ayon sa Facebook post ng grupong Legal Army Wives, napaka delikado na ibinigay ng isang PNP-SAF member ang lokasyon nito kung saan kasama nito ang tropa nito at hindi rin daw ito ligtas para sa nobya nito ang pagpunta sa lugar kung nasaan ang nobyo. Posible umano kasing gamitin ang impormasyon ito ng mga rebelde laban sa kanila lalo pa at kumalat online ang tagpo kung saan nagkita sa kauna-unahang pagkakataon ang dalawa. NAKILALA MO SA SOCIAL MEDIA. DI MO PA NAKADAUPANG PALAD, SINABIHAN MO NG EXACT LOCATION MO HABANG MAY MISSION KAYO NG TROPA MO. PASALAMAT KA INOSENTENG BABAE ANG DUMATING HINDI ASG NPA , SUICIDE BOMBER O RPG.  MALIWANAG MAY PANANAGUTAN DITO NA DAPAT MA REVIEW  PARA SA KALIGTASAN NG TROPA.  PAG MAY MISSION- CONCENTRATE. WAG NG IPAGKALAT. NASA INTERNET NA RIN ANG

Dolomite o Basura? Netizen Sinupalpal ang mga Kontra sa Manila Bay Rehab

Image
Hindi pinalampas at sinagot ng isang netizen na si Marlon Gregorio Ganan ang mga netizen at politikong kontra sa rehabilitasyon ng Manila Bay. Partikular ang aksyon ng DENR na pag lalagay ng dinurog na dolomite upang mag mukhang may white sand sa Manila Bay. Ayon kay Ganan, hindi umano dapat itigil ang nasabing proyekto kahit panahon ng pandemya, lalo na’t inutos ito ng Korte Suprema, ilang taon na ang nakararaan. Hindi rin diumano pwedeng ilipat ng basta basta ang pondo ng Manila Bay rehabilitation sa ibang proyekto ng gobyerno upang pakainin ang mga apektado ng pandemya dahil maaring maharap sa asunto ang gobyerno. Narito ang buong post ni Ganan: WHITE SAND Tingnan natin ang mga hanash ah?  Hanash #1 : "Bakit ngayon pa kung kailan may Pandemya? Ibinili na lang sana ng bigas o pagkain para sa mga mamamayang affected ng Pandemya!" SAGOT: Ang Rehabilitasyon ng Manila Bay ay nauna pa sa Pandemya.  In fact, 2008 pa iniutos ng Supreme Court ang paglilin