Pagkakaloob ni P. Duterte ng Pardon kay Pemberton Kinwestion ni VP Leni: Patas at makatarungan ba ito?

Para kay Vice President Leni Robredo hindi patas at hindi makatarungan na pagkalooban ni Pangulong Rodrigo Duterte si U.S. Lance Corporal Joseph Scott Pemberton ng absolute pardon. Sa kanyang pahayag, kinuwestiyon ni VP Robredo ang pagiging patas ng desisyon ng Pangulo na magbigay ng absolute pardon kay Pemberton. "Ang tanong nga natin: Patas at makatarungan ba ang naging desisyong ito? Libo-libo ang nakakulong pa rin dahil walang pambayad sa abugado. Hindi malitis-litis ang kanilang mga kaso. May mga pamilya silang nagugutom, nagkakasakit, at naghihirap. Pemberton had lawyers, special detention facilities, a quick, public trial, and an appeal. Ngayon, lalong luminaw na mayroon din siyang resources para masigurong mabibigyang-pansin ng mismong Pangulo ang kaso niya," saad ni VP Robredo. "Isa lang ang kasong ito sa maraming patunay ng pagkiling sa makapangyarihan na nakikita natin mula sa pamahalaan. Napakaraming mga Pilipino na mas magaan ang sala, ngunit hindi