Posts

Showing posts from September 4, 2020

Lloyd Cadena Namigay ng mga Libreng Tablet sa mga Estudyante Bago Pumanaw

Image
Malungkot pong balita. Pumanaw na ang sikat na vlogger na si Lloyd Cadena. Inanunsiyo ito sa kaniyang official Facebook page. Para sa maraming tagahanga ni Lloyd Cadena, hindi lang ang nakaaaliw na personalidad nito ang kanilang hinangaan at minahal. Higit dito ay ang kaniyang pagiging mabuting anak, mapagmalasakit na kaibigan at matulungin sa nangangailangan. Hiling ng kaniyang pamilya na maalala si Lloyd sa pamamagitan ng kasiyahan at inspirasyon na kaniyang ibinahagi sa mga manonood. Paalam at salamat, kween LC.

Biglang Pagkamatay ng Vlogger na si Lloyd Cadena Nahulaan ni Rudy Baldwin?

Image
Isang nakakalungkot na balita ang gumulantang sa mga netizens ngayong araw ng kumalat ang balitang pumanaw na ang kilalang vlogger na si Lloyd Cafe Cadena. Ang balita ay inihayag sa kanyang oficial Facebook account nitong Biyernes. “It is with a heavy heart and great sadness that we announce the untimely demise of our beloved brother Lloyd Cafe Cadena, May he be remembered for all the joy and laughter he shared with everyone,” sabi sa post Kahit hindi pa nakukumpirma ang dahilan ng kanyang kamatayan, sinabi ng post na humiling ang pamilya ng mga panalangin at privacy sa ngayon. Dahil sa pangyayari marami ang nagsasabing tila nahulaan raw ito ng isang sikat na manghuhulang pinoy na si Rudy Baldwin. Nagsimula si Lloyd sa kanyang vlogging journey taong 2011. Mayroon siyang higit sa 5.3 milyong mga subscriber sa YouTube at 6.5 milyong followers sa Facebook, sumikat si Lloyd sa kanyang nakakatawang mga videos online.

Yorme Sinabon ang Nang-iwan sa isang Lola sa ilalim ng Tulay

Image
Isang lola ang sinagip matapos siyang abandonahin sa ilalim ng Mc Arthur bridge sa Maynila. Ang kawawang matanda ay namumutla at hinang-hina nang ito ay sagipin ng mga taga barangay. Natukoy at inaresto ng Manila Police ang nangiwan sa matanda na kinilalang si Ephraim Tan Yap, 51, kamag-anak ng 76-year-old na biktima. Kabilang naman sa inaresto sina Emerita Decilio accomplice ni Yap at si Rogelio Espino isang tricycle driver. Dinala ang tatlo kay Manila Mayor Isko Moreno nitong Biyernes ng hapon. Paliwanag ni Decilio na nawalan siya ng pag-asa dahil tumanggi ang mga charity center na tanggapin ang matandang babae kaya't iniwan nalang siya sa ilalim ng tulay. Ngunit, inalagaan daw niya ang matandang babae sa loob ng apat na araw. "Kasi po hopeless na ko. Nagpunta po ako ng DSWD... hindi ko na po ano..." sabi niya Pinagalitan ni Moreno ang tatlo sa ginawa nila sa matandang babae. "Mayroon kayong kapabayaan... one, morally... Ang nanay, ang tatay, hin

Tunnel boring machines na gagamitin sa Metro Manila subway pinasilip ng DOTr sa publiko

Image
Ipinasilip ngayon araw 4 Setyembre ng Department of Transportation ang aktwal na tunnel boring machines na gagamitin sa paggawa ng kauna-unahang subway sa Metro Manila. Ipinalabas ito kaninang alas 2:00 sa official facebook page ng DOTr. Ayon sa  DOTr  maseserbisyuhan nito sa initial operation ang 370,000 na biyahero kada araw. Inaasahan ang full operation ng P393-B Metro Manila subway sa 2025. Kapag naging fully operational na ang subway, ang dating mahigit na dalawang oras na travel time mula Quezon City hanggang NAIA ay magiging 40-minuto na lamang. WATCH: The first-ever underground railway system in the Philippines, the Metro Manila Subway Project (MMSP), marks another breakthrough development as one of the ACTUAL Tunnel Boring Machines (TBMs) has undergone Factory Acceptance Test today, 04 September 2020. Unveiled on the virtual tour earlier was one (1) of the six (6) TBMs manufactured by JIM Technology Corporation in its factory in Tsurumi Prefecture, Japan. Thi

Tim Sawyer at China Roces nagkaayos na sa tulong ni idol Raffy Tulfo

Image
"Sana maging lesson din to sa lahat ng magkarelasyon. Sana hindi na lang maulit. Huwag na gumawa ng live video kasi dapat yung mga away ng mag-asawa, hindi na dapat isapubliko. Mahirap na kasi yung judgement ng tao," -Tim Sawyer. Tuluyan ng nagka-ayos ang couple vlogger na sina Tim Sawyer at China Roces sa tulong ng idol ng bayan broadcast journalist na si Raffy Rulfo. Matapos ang ilang araw, napagdesisyonan ng dalawa na magkasundo na at patawarin na ang isa't-isa. Sa programa ni idol Raffy Tulfo, muling nakapag-usap ang dalawa, matapos ireklamo ni Tria Valentin (ang babae umanong magiging ka-collab ni Tim sa kanyang mga bagong vidoes) ang pagkakadawit ng kanyang pangalan sa gulo ng couple vlogger. Ikinatuwa naman ng mga tagahanaga at tagasubaybay ng dalawa ang kanilang pagkakasundo matapos ang kanilang kontrobersiyal na live video sa Facebook.

Video Umano ng Barkong "Gulf Livestock 1" Bago Lumubog sa Japan

Image
Kumakalat ngayon sa Facebook ang isang video na kuha umano mula sa "Gulf Livestock 1" ang barko na lumubog sa kasagsagan ng bagyong Maysak sa Japan ilang sandali bago ito tuluyang lumubog. Naipasa pa umano ang video sa isang groupchat ng crew ng nasabing barko. Mapapanood sa 17 seconds video ang mala-higanteng mga alon na binabaybay ng lumubog na barko. Patungo sa Tangshan, China ang barko na galing sa Napier, New Zealand. Ika 2-Setyembre, nagpadala ng distress call ang barko na may lamang 6,000 baka at lulan ng 43 na crew kabilang ang 39 na Pinoy. Tanging ang isang Pinoy crew na si Sareno Edvarodo, 45-anyos chief officer pa lamang ang nailigtas kahapon mula sa mga kasamahan niyang nawawala. This is the "alleged video" of Livestock vessel that sank off of Japan. Naipasa pa sa Groupchat bago lumubog. 🙏🙏🙏 Prayer doon sa 39 missing. Posted by Marino Ph on Thursday, September 3, 2020