Posts

Showing posts from September 3, 2020

"Batman" Actor Tinamaan ng COVID

Image
Nagpositibo umano sa COVID-19 ang British actor na si Robert Pattinson. Dahil dito ay itinigil muna ng Warner Bros ang filming ng bagong pelikulang "The Batman" na pinagbibidahan ng aktor. Nagsimula ang filming ng The Batman noong nakaraang tatlong araw sa London matapos na luwagan ang lugar dahil sa lockdown mula pa noong Marso 2020. Sumikat ang 34-anyos na actor sa pagbida nito sa pelikulang “Twilight” series.

Update Bagyong Kristine Pumasok na sa PAR

Image
Biyernes Ika-4 ng Setyembre nakapasok sa Philippine area of responsibility ng umaga ang bagyong pinangalanang Kristine na may international name na Haishen, ayon sa PAGASA. Kinumpirma ito ng weather bureau at sinabing nakapasok na nga sa bansa ang bagyo bandang alas-9 ng umaga. Ayon sa PAGASA kung hindi magbabago ang direksyon ng bagyo ay hindi ito tatama sa lupa at agad ding lalabas sa bansa patungo sa bansang Japan. Inaasahang lalabas ang bagyo sa Philippine area of responsibility o PAR sa Sabado ng umaga.

China Roces, Pina-Tulfo na si Tim Sawyer

Image
Umabot na sa programa ni idol Raffy Tulfo ang isyu ng dating mag live-in partner at vlogger couple na sina China Roces at Tim Sawyer. Humingi ng tulong si China kay idol Raffy upang isumbong ang dating live-in partner na si Tim Sawyer para ayusin ang problema nila sa hatian ng pera sa kita sa social media na YouTube at Facebook. Sa simula ng panayam ikinuwento ni China ang pinagmulan ng away nila Tim na nagbago na raw ng ugali simula ng magkaroon ito ng malaking kita. Milyon-milyon na umano ang kinikita nito sa sa social media. Dahil dito nais ni China na maging 50-50 ang hatian nila sa mga kinita ng videos kung saan magkasama sila dahil siya rin umano ang nakaisip ng konsepto ng mga ito. Sa huli, tutulong ang programa ni idol Raffy Tulfo upang makausap ng abogado ang magpabilang panig para maayos ang sinasabing nararapat na hatian ng kita ng vlogger couple.

Mga Kinita ni Gladys Guevarra sa Negosyo Tinangay ng Dating Nobyo

Image
Umiiyak na ikinuwento ng comedian-actress na si Gladys Chuchay Guevarra ang ginawa ng kanyang dating boyfriend at fiance na si Leon Sumagui. Sa kanyang live sa kanyang Facebook page, sanabi ni "Chuchay" sa kanyang mga customers at followers na itinakbo diumano ng dati nitong nobyo ang perang aabot sa P9,100 na ginagamit niya para sa kanyang online food business. Matagal nang nasa food business si "Chuchay" at ngayong may pandemya, nagsimula na rin siyang magbenta ng palitaw, puto at iba pang mga kakanin online. Subalit nitong ika-1 ng Setyembre kinailangan niyang kanselahin ang lahat ng mga natanggap na order dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Posted by Gladys Chuchay Guevarra on Wednesday, September 2, 2020

Bangayan ni Tim Sawyer at China Roces Nakarating na kay Raffy Tulfo

Image
Nakarating na sa  programang Wanted sa Radyo ni idol Raffy Tulfo ang bangayan ng dating mag live in partner na kapwa sikat na vlogger na nag-aaway tungkol sa mga videos na ina-upload nila na kumita sa social media tulad ng Facebook at Youtube. Reklamo ni China Roces na ayaw umanong magbigay o mag-share ni Tim Sawyer sa mga kinita at kinikita pa ng mga videos nilang dalawa. Nakausap ni idol Raffy Tulfo sina China at Tim Sawyer para pag-usapan ang magiging hatian nila sa kita ng mga videos. Sa huli ay napagkasunduan na gawing 50/50 ang hatian ng dalawa.