Posts

Showing posts from September 2, 2020

Mala Boracay, White Sand Filling Manila Bay Sinimulan na!

Image
Sinimulan na ng DENR o Department of Environment and Natural Resources and pagtambak sa 50 metro ng bay walk ng white sand sa ilalim ng Manila Bay Rehabilitation Program. Ayon sa ulat sapat na ang mga white sand na naihanda para tambakan ang kahabaan ng bay walk. “Gagawin white sand itong, dito sa may bay walk area para makita ng tao na kapag puti ang kulay ng isang bagay, kailangan pangalagaan mo ito at ‘wag mo dumihan,” sabi ni DENR undersecretary Benny Antiporda. Sa ika-19 araw ng Setyembre, international coastal clean up day, inaasahan ng mga awtoridad na ang mga white sand ay makikita na sa lugar. Kung magtagumpay ang plano, ilang miyembro ng Gabinete ng Pilipinas ang makakasaksi sa programa sa parehong araw. Gayunpaman, sa kasalukuyan, inconsistent parin ang kalidad ng tubig ng Manila Bay. “Pero ‘yung water quality natin, of course, hinahabol pa natin. Ayaw natin palusungin ang mga tao dito na merong health risk,” dagdag nito.

Babae, labis ang pagsisisi sa pagpapatatoo ng kanyang kilay

Image
Dismayado at punong-puno ng pagsisisi ang isang babae dahil sa hindi magandang resulta nang pinagawa niyang permanent tatoo sa kanyang kilay. Sa paghahangad ng magandang kilay, sinubukan ng babae na magpatattoo ng kilay sa isang lalaking tatoo artist na nakita niya sa social media. Subalit ang inaasahang magandang kilay ay nauwi sa pagkakapahiya dahil puro kantyaw ang inabot ng naturang babae dahil sa kilay na kanyang pinagawa. Dahil sa nangyari kinontak ng babae ang palpak na lalaking tattoo artist upang maayos ang kanyang kilay. Sumagot ang tattoo artist at sinabihan siya na maglagay ng petroleum jelly para mabawasan ang kapal ng kilay. Sinunod ng babae ang payo ng tattoo artist, ngunit makalipas ang ilang araw ay wala umanong pagbabago at nanatili ang pagiging makapal ng kanyang kilay. Katwiran ng tattoo artist, kasalanan umano ng babae kaya naging ganoon kakapal ang kanyang kilay. Masyado raw ito malikot habang nilalagyan niya ang babae ng tattoo. ❗❗❗

Guro na nambastos sa Pangulo, Inaksyunan na ng Paaralang Pinagtatrabahuhan

Image
Pagkatapos mag-trending ang post ng isang guro na kinilalang si Laarni Villaluz tungkol sa edited na litrato ni President Duterte na pinagmukha niyang kumakain ng pagkain ng aso ay inaksyunan na ito ng paaralan na kanyang pinagtatrabahuhan. Nitong Martes, naglabas ng pahayag ang Maryhill College, Incorporated sa Lucena City na labis nilang pinagsisisihan ang naging aksyon ng kanilang senior high school na si Laarni Villaluz. Ayon sa pahayag ng paaralan, hindi nila kinukunsinti ang ginawa ni Villaluz at sinabing nagsagawa na sila ng ‘administrative action’ laban sa guro. Narito ang buong pahayag ng eskwelahan: "We deeply regret the recent incident being attributed to one of our school teachers relatively to an online post that has gone viral depicting the President of the Republic of the Philippines in a disrespectful and distasteful manner. The Maryhill College, Inc. does not and will not countenance any act – contrary to law, morals or public policy – by any of its per

Guro na Nambastos sa Pangulo Nag-Sorry: “Please po, wag na po ang family ko.. ang mga kaibigan ko.”

Image
"Please po, wag na po ang family ko. Ang workplace ko at ang mga kaibigan ko." Nakatanggap ng libu-libong pagpuna sa social media ang isang guro matapos ang ginawa nitong pambabastos sa litrato ni  Pangulong Rodrigo Duterte ng bumisita ito sa Jolo, Sulu. Dahil ito humingi ng tawad ang guro na kinilalang si Laarni Villaluz sa Pangulo, sa kanyang pamilya, mga kasamahan sa trabaho, at mga kaibigan na naapektuhan sa kanyang ginawa sa pamamagitan ng isang open letter. Matatandaang naging viral sa social media ang larawan ni Pangulong Duterte habang hinahalikan ang lupa kung saan nangyari ang pagsabog sa Jolo, Sulu. Ayon sa guro hindi na niya ma-access ang kanyang Facebook account ngayon. Narito ang open letter ni Villaluz: Hello po. Allow me to express myself.  First of, I want to apologize to our President for inappropriately posting the said meme in a specific group. I am humbly asking for your acceptance of my apology, Mr. President. I know this has caused too

Guro, nais tanggalan ng lisensya ang kapwa guro dahil ginawa nitong aso si Pangulong Duterte

Image
Isang guro ang nananawagan sa gobyerno sa pamamagitan ng Facebook na tanggalan ng lisensya ang kapwa niya guro sa pambabastos nito sa litrato ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon sa guro na si Chini Huang na naka base ngayon sa Taiwan, kahit siya ay hindi makapaniwala na may mga taong katulad ng guro na si Laarni Villaluz na kayang bastusin ang litrato ng Pangulo habang nagbibigay ito ng respeto sa mga biktima ng pambobomba ng mga terorista sa Jolo, Sulu. “Ako po ay isang professional and licensed teacher. I’m a graduate of Bachelor of Secondary Education, Major in Social Science. Alam po natin na mayroon tayong code of ethics bago tayo manumpa at mabigyan ng lisensiya… Ginawang mong baboy ang Presidente. Ano na lang ang sasabihin ng mga estudyante mo,” sabi ni Chini Huang. Tanggalan ng License/Lisensiya si Laarni Villaluz Posted by Chini Huang on Monday, August 31, 2020