Posts

Showing posts from August 31, 2020

Ang Huling Araw ni Ted Failon sa TV Patrol

Image
Napuno ng emosyon at pasasalamat ang paglabas ni Ted Failon sa programang TV Patrol sa pinakahuling pagkakataon. 30 taon nakasama si Ted sa paghahatid ng balita sa mga tahanan natin at ngayong gabi, Agosto 31, huling beses nang mapapanood ang batikang broadcaster sa TV Patrol at Failon Ngayon sa TeleRadyo dahil nagpaalam na ito. Nitong 30 August ay naglabas ng official statement ang ABS-CBN kaugnay sa  pag-alis ng brodkaster sa kapamilya network. Narito ang nilalaman ng official statement: “Matapos ang 30 taon, magpapaalam na sa ABS-CBN ang batikang brodkaster na si Ted Failon. Huling beses nang mapapanood si Ted sa TV Patrol at Failon Ngayon sa TeleRadyo ngayong Agosto 31. Ang pagpapatigil sa radio broadcast operations ng ABS-CBN ang nag-udyok sa hakbang na ito. “Bagamat nakalulungkot, iginagalang namin ang kanyang desisyon. “Hinahangaan namin ang kanyang husay at pagmamahal sa radio broadcasting, na pinakamabisang paraan ni Ted para mas makapaglingkod ng mabuti sa

3 Taong Babae Tinangay sa Ere ng Saranggola

Image
Isang tatlong-taong-gulang na batang babae ang tinangay ng mahigit sa 30 talampakan sa ere nang sumabit ang kaniyang katawan sa buntot ng isang malaking saranggola sa idinadaos na kite festival sa Hsinchu City, Taiwan. Inabot ng mahigit 30 segundo ang itinagal ng insidente at bago nasagip ng mga tao ang paslit nang maibaba na ang saranggola. Dahil sa pangyayari, nagpasya ang mga awtoridad na tapusin nang mas maaga ang nasabing event. Ayon sa mga magulang ng bata, bahagyang galos lang umano ang tinamo ng kanilang anak.

Ang Nakaka-iyak na House Tour sa Lumang Tahanan ni Lyca Gairanod

Image
Naging emosyonal ang teen singer na si Lyca Gairanod habang nag-house tour sa kanyang lumang tahanan sa Tanza, Cavite bago siya nagwagi sa "The Voice Kids" noong 2014. Masayang nilibot ni Lyca ang kanilang lumang tahanan at nakipagbiruan sa kanyang lola, na siyang ngayon ang nakatira sa bahay. Gayunpaman, hindi mapigilan ng teen singer na maging emosyonal habang naaalala niya ang kanyang dating buhay. “Parang nami-miss mo, sobra ‘yung bahay na ‘to. Grabe, and dami nitong — na-experience nito sakin, and ang dami kong napagdaanan,” sabi ni Lyca. “Marami akong pinagdaanan dati. Alam niyo naman. Nakita niyo naman ‘yung istorya ko. Nag-MMK [“Maalaala Mo Kaya”] ako dati. Mula nung nag-“The Voice” ako guys, marami akong paghihirap na naranasan sa buhay ko,” dagdag pa niya. “So, dito na rin talaga ako lumaki and syempre, hindi ko kayang kalimutan ‘tong lugar na ‘to, kung saan ako nanggaling,” “Ayokong mawala siya kasi sobrang mahal na mahal ko ‘tong bahay na ‘to a

PWD na pinag-sasampal ng tricycle driver tinulungan ni idol Raffy Tulfo

Image
Viral ngayon ang isang video footage kung saan isang person with disability (PWD) ang sinampal at pinag-tripan ng isang bastos na tricycle driver sa labas isang supermarket sa Cauayan, Isabela. Kinilala ang PWD na si Sammy Agustin, at ang tricycle driver na si Juliues de Leon. Ayon kay Agustin nagbibiruan lamang silang dalawa ng tricycle driver. Dahil madalas daw umano siyang biruin at asarin ng driver, bumabawi din umano ito ng pang-aasar sa driver. Ngunit mukhang hindi nagustuhan ng driver ang biro sa kanya sa mga oras na iyon ni Agustin, kaya humantong ang asaran sa pananampal sa kawawang PWD. Biglang sinampal ni de Leon si Agustin at hindi man lang siya naawa sa kalagayan ng PWD. Sa kabutihang palad, ang security guard sa lugar ay naawa sa PWD at pinigilan ang galit na lalaki na hindi siya masaktan.