Posts

Showing posts from August 30, 2020

Pangulong Duterte Napaluhod at Hinalikan ang Lupa sa Jolo, Sulu

Image
Bumisita si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Jolo, Sulu para makiramay sa mga biktima ng pag-atake ng terorista na kumitil ng hindi bababa sa 15 buhay at 75 iba pang sugatan noong nakaraang Linggo, ito ay sinabi ng tagapagsalita ng Pangulo na si Harry Roque noong Linggo. “This is to confirm that PRRD visited Jolo, condoled with some of the victims of the latest blast, and conferred with the Mayor,” sabi ni Spox Harry Roque sa mga reporters. “He is expected to be back in Manila tonight,” dagdag pa ni Roque. Nag-alay ang Pangulo ng mga bulaklak at dasal sa pinangyarihan ng pagsabog, at pagkatapos ay nagpunta sa Camp Teodolfu Bautista upang bisitahin ang mga nasugatan sa pagsabog at ngayon ay ginagamot sa ospital ng kampo. Kamakailan ay inanunsyo ng pangulo na bibisitahin niya ang Jolo blast site upang "bigyan ng importansya" ang mga pulis at sundalong namatay sa pagsabog. “I’m going to Jolo, diretso ako ngayon sa Jolo, doon sa blast sight. Mabigyan ko la