Posts

Showing posts from August 28, 2020

Black Panther Actor na si Chadwick Boseman Pumanaw na

Image
Matapos ang 4 na taong pakikipaglaban sa kanser, pumanaw na ang Black Panther actor na si Chadwick Boseman sa edad ba 43. Ito ang kinumpirma ng kanyang publicist na si Nicki Fioravante sa kanyang official Twitter account. pic.twitter.com/aZ2JzDf5ai — Chadwick Boseman (@chadwickboseman) August 29, 2020 Si Chadwick ay nadiagnosed na may Stage 3 colon cancer noong 2016, na kalaunan ay umusad sa Stage 4 sa nakaraang apat na taon. "A true fighter, Chadwick persevered through it all, and brought you many of the films you have come to love so much. From Marshall to Da 5 Bloods, August Wilson's Ma Rainey's Black Bottom and several more, all were filmed during and between countless surgeries and chemotheraphy," sabi sa pahayag ni Nicki Fioravante "It was the honor of his career to bring King T'Challa to life in Black Panther," dagdag nito Payapang pumanaw ang American actor sa kanyang tahanan sa Los Angeles sa piling ng kanyang pamilya at mga ma

Japan Prime Minister Abe Shinzo Pinaliwanag kung bakit siya magre-resign sa Pwesto

Image
Nabalita na bababa na sa puwesto ang Prime Minister sa Japan na si Shinzo Abe dahil sa kanyang kalusugan. Sunud-sunod ang pagpunta sa ospital nang 65-anyos na pinuno para sa  “regular health checkup” at follow-ups, matapos mabalita na sumuka ito ng dugo sa kanyang opisina noong Hulyo 2020. Naging Punong Ministro ng Japan si Abe simula noong Disyembre 2012, kasunod ng una nitong taon sa puwesto mula taong 2006 hanggang 2007. Agad siyang nag-resign noong 2007 dahil sa paglala ng kanyang chronic illness na ulcerative colitis, na sinabi niya noong 2012 na gumaling na raw sa tulong ng bagong gamot.