Posts

Showing posts from August 27, 2020

John Regala Sinabing Walang Natanggap sa mga Donasyong Nakalap ni Chuckie Dreyfus, Nadia Montenegro

Image
Nagsumbong ang beteranong aktor na si John Regala kay idol Raffy Tulfo na hindi siya nakatanggap ng kahit isang sentimento sa mga donasyon na-niraise para sa kanya ng mga kapwa artista na sina Chuckie Dreyfus at Nadia Montenegro. “Wala po akong nakuhang ni-singko po sa kanilang nakalap na donasyon,” sabi ni Regala sa Radyo Singko 92.5 News FM’s “Wanted Sa Radyo” noong Martes. “Actually humihingi nga po ako sa kanila ngunit wala silang binibigay sa akin na anumang proof kung magkano ang binigay ng kapwa kong artista, yung mga netizens o yung mga kapwa kong tao,” dagdag pa nito. Nagviral si Regala matapos siyang tulungan ng isang food delivery driver, na nakita siya sa kanyang nakakaawang na estado. Ang aktor, na kilala sa kanyang mga papel na kontrabida sa mga pelikula at palabas sa TV, ay naghihirap ngayon sa liver cirrhosis at severe gout. Dahil sa nakitang kalagayan ng aktor, ang kapwa artista na sina Chuckie Dreyfus, Nadia Montenegro at ang beteranang manunulat na si As