LTO: Driver's License Validity Gagawing 10 Years sa mga Qualified na Motorista

Inanunsiyo ng Land Transportation Office na simula sa Oktubre 2021 ay maaari nang makapag-renew ng lisensiya na valid nang hanggang sa 10 taon. Pero paliwanag ng LTO hindi lahat ay mabibigyan dahil depende ito sa linis ng record ng isang motorista. Kung may paglabag, hanggang 5 taon lamang ang validity ng lisensiya. Makatutulong ito para hindi na magpabalikbalik sa LTO para magrenew ng lisensiya at makabawas sa gastos.