“Tumakbo ka munang kagawad!” Arnold Clavio, Hinamon ng isang netizen matapos nitong Batikusin ang Pangulo

Matapang na hinamon ng isang Davaoeño si Arnold Clavio, ilang araw matapos na batikusin ng mamamahayag si Pangulong Rodrigo Duterte. Sa loob lamang ng ilang araw, nakuha ni Clavio ang pansin ng mga netizen dahil sa kanyang reaksyon sa pahayag ni Pangulong Duterte na hindi sapat ang badyet ng gobyerno. Hindi kumbinsido si Clavio sa sinabi ni Pangulong Duterte na may utang ang Pilipinas sa mga bangko. "Walang pera!" Narinig na naman natin yan kagabi kay Pangulong Duterte. Wala ng pera, wala pang bakuna, so wala na?” sabi Clavio. “At kung ngang walang pera, bakit pa nagpasa ng P162B na stimulus package para sa Bayanihan Act 2 ang Kongreso? Bago ito ipasa, inalam muna nila kung may pagkukuhanan nga na pondo ang gobyerno. Wala bang pera o walang diskarte?” dagdag pa nito Sinabi ng isang Davaoeñong netizen na si Monching Lumantas, na dapat tumakbo muna si Clavio bilang isang Kagawad upang malaman niya kung paano tumatakbo ang gobyerno. Ayon kay Lumantas, tila hindi