Posts

Showing posts from August 20, 2020

LOOK: Pinakabagong Disenyo ng P1000, P500 Bill Isinapubliko ng BSP

Image
Mga enhancements sa disenyo ng ating mga salaping papel. Ang serye ng mga salaping papel ng NGC ay siyam (9) na taon nang nasa sirkulasyon kung kaya’t kinakailangan ang mga pagpapahusay sa mga tampok panseguridad nito. Bilang kasanayan, ang mga central banks ay regular na nagbabago ng mga disenyo at tampok panseguridad ng kanilang mga salapi tuwing ika-10 taon, upang maprotektahan ang integridad ng salapi. Ayon sa Committee on Currency Design and Enhancement (CCDE), kinakailangang mapaghusay at mas lalong mapaganda ang disenyo at mga tampok panseguridad ng mga salaping papel na ito upang mas mapadali ang pagtukoy ng pagkakaiba ng bawat denominasyon at upang maitampok ang mga pinakabagong teknolohiya na laban sa pamemeke. 50-piso Enhancements - TACTILE MARK: 1 pares ng mga maiikling pahalang na linya na nakaimprenta sa tintang intaglio ay matatagpuan sa dulong kanan at kaliwang panig ng salapi - EMBEDDED SECURITY THREAD: nanatiling 2mm ang lapad 100-piso Enha

Yorme, Isinara ang 4 na establishments sa Divisoria na nagpapakilalang na address nila ay nasa 'Manila, Province of China'

Image
Ipinasara ni Manila City Mayor Isko Moreno nitong Huwebes ang 4 na business establishments ng isang mall sa Binondo, Maynila na nagtitinda ng beauty products kung saan nakasaad sa pakete na 'Manila, Province of China'. “Oo kasi yun ay misrespresentation. Wala pong Binondo sa China. Ang Binondo ay nasa Maynila. Malaking insulto po yun,” sabi ni Manila Bureau of Permits Levi Facundo . Natagpuan ni Facundo ang mga stall matapos matanggap ang isang tip mula sa mga reklamo na ang mga produkto ng negosyo ay may isang address na nakakabit sa label na nagsasaad, "707 Santo Cristo Binondo, Manila, Province of China.” Sinabi ni Facundo sa mga reporter na titingnan nila kung may mga permit ang mga stall upang mabawi ito. Dagdag pa niya, susuriin din nila kung ang mga produkto ay akreditado ng Food and Drug Administration (FDA).