Posts

Showing posts from August 14, 2020

Guro na Pumapasok para Maghanda ng Modules Nagka-Covid-19

Image
Tinamaan ng COVID-19 ang isang guro sa Baguio City na pumapasok noon para ihanda ang mga module para sa pagbubukas ng klase. Naglakas-loob na magpakilala sa publiko ang public school teacher na si Norberto Rodillas matapos itong magpositibo sa COVID-19. Takot at lungkot ang kaniyang naramdaman dahil nagpositibo rin sa naturang sakit ang kanyang kapatid at parehong magulang. Humihingi siya ng paumanhin sa mga kapwa guro, kaibigan at iba pang kakilala na kanyang nalapitan. Ayon sa LGU ng Baguio City, posibleng nahawa ang guro sa ate nito na isa ring guro na pumapasok noon para ihanda ang mga module para sa nalalapit na pagbubukas ng klase. "His older sister contracted the virus while working— preparing the modules with the other teachers in preparation for the resumption of classes. Then one after the other, the other members of the family tested positive," ayon sa public information office ng Baguio City.