Posts

Showing posts from May 27, 2020

Enrollment sa mga pampublikong paaralan simula na sa June 1

Image
Tuloy na raw ang pasukan sa August 24 sa mga public school. Kaya ang DepEd, tuloy rin ang paghahanda sa enrollment na magsisimula na sa Lunes, June 1.

Kawawang Buntis na binaklasan ng bubong ng landlady, Tinulungan ni Kuya Will

Image
Isang balita ang pumukaw sa atensyon ni Willie Revillame nang makita niyang pinalayas at tinanggalan ng bubong ang inuupahang bahay ng isang buntis. Kaya naman bilang sorpresa, sasagutin na ni Kuya Wil ang anim na buwan nilang upa sa bahay. “Hulog ito ng langit sa inyo. Kung hindi binuksan yung bubong mo, hindi ka makikita at di namin malalaman ang nangyari,” sabi ni kuya Wil. Hiling naman ni Kuya Wil, huwag na sanang magalit ang mga tenant sa landlady. “Siyempre intindihin din natin na may pangangailangan din sila,” paliwanag ng TV host.

LIBRENG INTERNET Isunusulong ni Senador Lito Lapid para sa mga estudyante at guro

Image
Isinusulong ni Senador Lito Lapid ng isang resolusyon para malaman  kung maaaring iutos sa mga telco companies na magbigay ng libreng internet access sa online learning portals at educational websites habang mga Covid-19 pandemic. Sa Senate Resolution No. 416, sinabi ni Lapid na magbebenepisyo ang mga estudyante at mga guro sa panahon ng kalamidad at emergency kung mabibigyan sila ng free internet service. Ayon sa senador, sa mga panahon ng kalamidad at emergency gaya na lamang ng kinakaharap na pandemya, mahalagang umanong may malakas at maaasahang internet service ang ating mga estudyante at mga guro. “Sa ganitong paraan lamang masisiguro na magtutuloy-tuloy ang kanilang pag-aaral at pagkatuto,” sabi ng senador. “Alam nating matagal pa babalik ang nakagawiang face-to-face o physical classes kaya sa online classes nakadepende ang ating mga estudyante para hindi titigil ang paglinang sa kanilang kaalaman,” sambit pa nito. “Sa mga susunod na buwan lalo’t habang narito pa

Mananalo ako kahit walang endorso ni Pangulong Duterte -Vico Sotto

Image
Sa interview sa ‘Quarantined with Howie Severino’ ng GMA News Online, tinanong si  Pasig City Mayor na si Vico Sotto kung sa tingin ba nito ay mananalo siya kung wala ang suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte. Matatandaan na isa sa mga sinuportahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Mayor Vico sa kanyang kampanya. “Kung mananalo ako kung wala siya, at kung wala ‘yung endorsement, probably yes,” giit ni Sotto. “Kasi naka-set up na ‘yung ano namin nun eh, kumbaga we were good to go.” Subalit, nilinaw ni Mayor Vico na malaking tulong na sinuportahan siya ni Duterte sa kanyang kampanya. Nang maitanong naman kung may utang na loob siya kay Duterte, “Wala. Kasi wala naman usapan ‘yun eh. There was no condition to that. Pumunta kami sa MalacaƱang, of course kung isang government official ka, pinatawag ka ng presidente, pupunta ka talaga.”