Posts

Showing posts from May 4, 2020

Aktuwal na Pagdakip sa Kagawad na Nambubulsa ng P3,500 kada SAP

Image
Isang barangay kagawad sa Hagonoy, Bulacan ang hinuli ng mga pulis  matapos na ireklamo sa pagbulsa ng P3,500 sa mga benepisyaryo ng social amelioration program o SAP. Inaresto si Danilo Flores sa Barangay San Agustin dahil sa panggagantso sa mga residente ng nasabing barangay ayon kay Hagonoy police chief Col. Roginal Francisco, Nag-trending si Flores sa social media matapos na makuhanan sa sinabing kukunin ang P3,500 ng cash assistance para maibigay ng mayor ng Hagonoy sa mga walang matatanggap sa SAP, ibig sabihin ay P3,000 lang ang natatanggap ng bawat residente. Itinanggi naman ni Hagonoy Mayor Raulito Manlapaz ang sinabi ni Flores at sinabing wala siyang kinalaman sa “raket” ng kagawad.

Komendyanteng si Babajie, Pumanaw sa edad na 35 dahil sa malubhang sakit

Image
Pumanaw na ang comedian na si Babajie, Alfredo Cornejo Jr. sa totoong buhay. Binawian ng buhay si Babajie, o Alfredo Cornejo Jr. sa totoong buhay, matapos ma-confine nang ilang araw sa San Lazaro Hospital sa Maynila dahil sa pneumonia. Siya ay 35 anyos. Naulila ng komedyante ang inang si Minda Corneno at mga kapatid na sina Almin, Alina at Aljohn. Balitang ibuburol ang kanyang labi sa bahay nila sa Malibay, Pasay City at ililibing sa Sgt. Mariano Cemetery sa Pasay. Ang tatay naman ng comedian ay isang taon nang patay. Kinumpirma ito sa FB post ng pinsan niyang si Cid Cornejo. “Bakit? Maaga pa. Bata ka ka pa. Alam mo kuya na mahal na mahal kita. Ikaw ang pinakaclose ko noon pa man ikaw nagturo sa akin mag business. Ikaw madalas kong kasama. Mamimiss kita.”

DepEd Next Schoolyear Magbubukas na Ngayong August 24

Image
Inanunsyo ni Education Secretary Leonor Briones na August 24 ang unang araw ng klase para sa bagong school year.  "Ang napili nating school opening date ay August 24," sabi ni DepEd Secretary Briones sa Laging Handa public briefing. Ayon sa DepED, hindi naman daw ibig sabihin ng pagbubukas ng panibagong school year ay babalik na ang mga mag-aaral sa eskwela. Puwedeng maging blended education – combination ng face to face at online teaching approach. Tinitignan ding posibilidad ang paggamit ng TV at radio para sa klase ng mga estudyante.

Pangulong Duterte Nag-alok ng Pabuya sa mga Mag-rereport sa mga Officials na Nangungurakot ng SAP

Image
Nangako si Pangulong Duterte na magbibigauy ng pabuya sa sinumang magsumbong sa mga opisyal ng gobyerno na mangungurakot sa ayudang ibinibigay ng gobyerno o SAP. Sa meeting ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), inanunsiyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nag-alok ng P30,000 si Pangulong Duterte sa sinuman na tutulong sa national government mahuli ang mga korap na officials. “Siya po ay magbibigay ng pabuya na 30,000 pesos sa lahat ng po ng mga mag rereport ng local officials na kumakana o kinukurakot ang mga ayuda para sa mahihirap,”   sabi ni Spox Roque Sinabi din ni Presidential Spokesperson Harry Roque na maaaring tumawag ang mga may sumbong sa hotline ng gobyerno na 8888. Sa isang public address, partikular na pinangalanan ni Duterte ang kagawad ng Hagonoy, Bulacan na si Danilo Flores na ibinulsa ang malaking bahagi ng P6,500 na ipinamahagi sa mga benepisyaryo ng SAP. “Sinabi ko na sa inyo kung may gawin ka

Bagong Panganak na Ina, Pinalayas dahil Hindi Nakabayad ng 1 Buwang Upa

Image
Isang bagong panganak na nanay na kinilalang si Jammy Wolfsburg ang viral ngayon nang ito ay palayasin ng kanyang landlord dahil hindi makabayad ng isang buwang upa sa bahay. Ikinagalit ng maraming netizens ang ginawang kalupitan ng landlord sa kaawa-awang mag-ina. Hangad nila ay makakuha ng hustisya ang mag-ina. Sa kasalukuyan ay nakatira ang mag-ina sa barangay. Sa kasalukuyan ay marami na ang umaaray sa marami sa atin dahil pinapalayas ng kanilang landlord sa kabila ng banta ng Pangulong Duterte na labag ang paniningil ng upa sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine.

"Sabong is Life" Residente nahuling Nagsa-sabong matapos makuha ang Ayuda sa Caloocan

Image
"Matapos matanggap ang ayuda ay nag sabong na po sila" Huli sa isang viral video ang pagtutupada ng ilang residente ng Barangay 35 Maypajo, Caloocan. Isang concerned citizen ang naglakas loob na kumuha ng video clip ng aktwal na pagsasabong ng kanyang mga kapitbahay. Sinabi sa post na kinasa ng mga taga-Barangay 35 Maypajo ang sabong matapos matanggap ang ayuda mula sa gobyerno. Sa video ay makikita ang maraming kumpol ng mga nagsasabong habang ang iba ay nanonood lamang. Kapansin-pansin ang kawalan ng social distancing at marami din ang hindi nakasuot ng face mask. Ang ilan din sa mga ito ay nakahubad ng pang-itaas na damit sa itinuturing na pampublikong lugar. Animo ay parang normal na araw lamang sa nasabing lugar at tila walang umiiral na community quarantine sa bansa.

Meralco Sinimulan na Mamigay ng mga Electric Bill

Image
Nagsimula na ang Meralco na mamigay sa mga consumers ng mga electric bill nitong weekend. Sa  bill nakasaad ang dalawang buwang nakonsumo ng mga consumers mula buwan ng Pebrero hanggang bago mag-quarantine. Nakalagay din sa naturang bill ang babayaran para sa buwan ng Abril, na average consumption dahil hindi nabasa ang metro ng konsumer. Nilinaw naman ng Meralco na hindi kailangang bayaran nang buo ang dalawang buwang konsumo ng kuryente. Nagbigay na ng direktiba ang Energy Regulatory Commission na dapat hatiin sa 4 na bayaran ang bill sa kuryente sa quarantine period.

Kahit naka "Hard Lockdown" 3 Tolongges Tuloy parin sa Sugal sa Tondo Arestado

Image
Kahit na mahigpit ang implimentasyon ng “hard lockdown” sa Tondo District 1 ay nagagawa pa ring lumabag ng ilang tolongges kung saan 3 ang naaresto dahil sa pagsusugal at nahulihan pa ng mga baril. Timbog ang mga suspek na sina Reynald Aviertas, 28-anyos, Rogel Ilagan y Carbonel, 24; Jomarie Hayahay, 30-anyos  pawang mga nakatira sa Brgy 128, Tondo, Manila. Sa pagkakaresto sa 3, nakuha sa mga ito ang kalibre 38 revolver, sumpak at mga bala at mga perang ginamit sa pagsusugal. Patong -patong na kaso ang kahaharapin ng 3 suspke kabilang ang paglabag sa Bayanihan to  heal as one act,  Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Concern,  Presidential Decree 1602 o Cara y Cruz, at Illegal possesion of Firearm ang mga suspek.

Mga OFW hindi Required Magbayad ng PhilHealth Premium

Image
Hindi na oobligahin ng pamahalaan ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) na magbayad ng 3% ng kanilang buwanang sahod para sa premium contribution sa PhilHealth. Ito ay matapos na utusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang PhilHealth na gawing boluntaryo lamang ang premium contribution para sa mga OFW’s. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi na rin kailangan ng mga OFW’s na bayaran ang kanilang PhilHealth premium contribution para makakuha ng overseas employment certificate. Matatandaang sa ilalim ng dirketibang inilabas ng PhilHealth nakasaad na ang mga OFW’s na may buwanang kita na P10,000 hanggang P60,000 kada buwan ay kinakailangang maghulog ng 3% ng kanilang buwanang sahod para sa kanilang premium contribution.

P3,500 kada SAP Binubulsa ni Kagawad, Arestado!

Image
Isang barangay kagawad sa Hagonoy, Bulacan ang hinuli ng mga pulis  matapos na ireklamo sa pagbulsa ng P3,500 sa mga benepisyaryo ng social amelioration program o SAP. Inaresto si Danilo Flores sa Barangay San Agustin dahil sa panggagantso sa mga residente ng nasabing barangay ayon kay Hagonoy police chief Col. Roginal Francisco, Nag-trending si Flores sa social media matapos na makuhanan sa sinabing kukunin ang P3,500 ng cash assistance para maibigay ng mayor ng Hagonoy sa mga walang matatanggap sa SAP, ibig sabihin ay P3,000 lang ang natatanggap ng bawat residente. Itinanggi naman ni Hagonoy Mayor Raulito Manlapaz ang sinabi ni Flores at sinabing wala siyang kinalaman sa “raket” ng kagawad.