Posts

Showing posts from May 2, 2020

Francis Leo Marcos Hinamon si Arnold Clavio ng Suntukan

Image
“Nananahimik akong tumutulong sa kapwa at sa ating mga kababayan, binanatan mo ko sa GMA, pinakamalaking network para sirain ang pagkatao, gagamitin mo pa ang sangay ng kapulisan, gagamitin mo pa ang sangay ng gobyerno,” sabi ni Marcos “Kahit suntukan hindi ka mananalo sakin eh, pipitikin ko yang malaki mong mata, nakakapanlumo lang kasi mainstream media ka, malaking network yan tatawag ka ng NBI, tatawag ka ng pulis, para ako’y mapasama, hindi ganon kahina ang utak ng pulis, hindi ganon kahina ang utak ng NBI, matatalino yan,” sabi ni Marcos “Suntukan nalang tayong dalawa, itatali ko pa ‘yung isang kamay ko, kaliwang kamay pa ang gagamitin ko sayo, kaysa sa banat ka ng banat, gagamitin mo ang pinakamalaking media para siraan ang tao, hindi maganda yang ginagawa mo,” dagdag nito.

Mga Patay ‘Bumangon sa hukay’ Para Tumanggap ng SAP

Image
Kinumpirma ng DSWD na may mga patay na  ngunit nagawa pang makatanggap ng Social Amelioration Program o SAP. Sinabi ni DSWD secretary Rolando Bautista, na ito ay ilan lamang sa maraming mga reklamong nakararating sa kanilang tanggapan sa harap ng tuloy-tuloy na pagbibigay ayuda ng pamahalaan sa mga nangangailangan ngayong may nararanasang krisis dahil sa coronavirus disease. Sa Laging Handa public briefing ay sinabi ni Sec. Bautista na sa pamamagitan ng pamemeke ay nagagawa ng mga mapagsamantala na makakubra ng SAP financial assistance mula sa pamahalaan. Kaugnay nito, tiniyak namain ni Sec. Bautista na mahaharap sa kasong kriminal o administratibo ang mga taong tumanggap ng tulong pinansiyal sa gobyerno para sa mga kaanak na namatay na. Sinabi ni DSWD Secretary Rolando Bautista na marami na silang natanggap na reklamo hinggil sa mga patay na nakasama sa ayuda ng social amelioration program. Bukod sa kasong kriminal at administratibo, kailangang isauli ang natanggap na per