Posts

Showing posts from May 1, 2020

PWD na Hirap Maglakad, Pinapunta pa ng Munisipyo para Mabigyan ng Ayuda

Image
Isang dating guro na person with disabilities (PWD) at hirap maglakad na si Roy Moral ang napilitang magpunta sa munisipyo ng Imus sa Cavite para makuha ang pinansiyal na ayuda mula sa social amelioration program (SAP) ng gobyerno. "Kailangan daw po kasi may physical appearance. Talagang ako po talaga," sabi ni Moral. "Dapat ako ang kumuha. Sa kabila ng pakikiusap naman ng asawa ko dahil apat na beses na siya, magkakaibang araw nagpunta doon, hindi naman po binigay." dagdag pa nito

Isang Hamak na Magsasaka Hinangaan Dahil Pinamigay ang mga Inaning Kalabasa

Image
Isang magsasaka mula sa Tacurong City Sultan Kudarat sa Mindanao ang ipinamigay ang kaniyang mga inaning kalabasa sa mga residente. Kinilala ang Good Samaritan na si Manong Victor Agpalasa, isang magsasaka sa Barangay Baras, Tacurong City. Kahit medyo hirap din sa buhay, naisip pa ni manong tumulong sa mga mas nangangailangan. Matumal kasi ang bentahan dahil sa lockdown subalit naisipan pa rin ni manong na ipamigay ito kaysa pagkakitaan. Papuri at paghanga naman ang ibinalik ng mga netizens sa kaniya.

Isang Pamilya Tumira sa Tricycle ng Hindi Makabayad sa Upa

Image
Sa tricycle pansamantalang naninirahan ngayon ang pamilya ni Mang Joel dahil hindi na sila makabayad sa kanilang inuupahan. Upang makabili ng pagkain para sa pamilya ay namumulot siya ng mga karton at saka ibenebenta sa junk shop dahil hindi niya raw kayang mamalimos Dahil sa sipag at diskarte ay hinangaan siya ng netizens Dahil sa umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) ay hindi na kinayang magbayad ng upa ng isang pamilya sa Divisoria kaya napagdesisyunan nilang sa tricycle na lang muna tumira. Nagtatrabaho ang padre de pamilya na si Mang Joel bilang isang tricycle driver ngunit ngayon ay hindi muna siya pwedeng pumasada. Kuwento niya sa GMA News, hindi niya kayang mamalimos kaya naman gumagawa siya ng paraan upang may maipakain sa kaniyang pamilya. “Hindi ko kayang mamalimos. Kung anong kaya ko, yun ang gagawin ko para po kahit paano ay may makuhang pangkain araw-araw,” sabi ni Mang Joel Namumulot siya ng mga karton upang ibenta sa junk shop at ipambili n