Posts

Showing posts from April 21, 2020

Pamilyang nakatanggap ng P6,700 na ayuda, ipinampuhunan sa droga ang pera?

Image
Arestado ang isang magkakaanak sa Quezon City dahil sa pagtutulak umano ng droga. Hinala ng pulisya, ipinampuhunan ng mga suspek ang natanggap na ayudang P6,700 sa pagtutulak ng droga kung saan nakumpiska sa kanila ang shabu na nagkakahalaga ng P34,000. Naaresto ang mga suspek na sina Elvie at Bona, parehong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, ay nakatanggap daw ng tig-isang P6,700. Nakuha ng mga awtordidad sa mga suspek ang 13 pakete ng shabu na may street value na P34,000. Umamin naman si Elvie na tatlong taon na siyang nagbebenta ng ilegal na droga kasama ang kaniyang mga anak. “Pinambubuhay ko po sa mga anak ko dahil wala po akong asawa,” paliwanag niya. Sabi naman ng kaniyang anak na si Angelito, “Sa sobrang kahirapan po ng buhay kaya po namin nagagawa ‘yon.”

Babaeng May Dalang Groceries, Nakunan Ng Video Nang Gawin Nya Ito Sa Matandang Pulubi Na Naghihingi Ng Pagkain

Image
Tunay nga na mabait at matulungin ang mga Pilipino dahil tayo ay laging bukas sa pagtulong sa ating kapwa sa oras ng kanilang pangangailangan, kalamidad, pagsubok, at iba pa. Yan ang nakuhanan ng video ng isang netizen na si Florendo Bonavente Bern. Makikita sa video ang pagtulong ng babaeng ito sa isang matandang pulubi at nilagyan niya ng caption ang kaniyang socmed post na nagsasabi na, "Mabuting gawa! Ung pinamiling pagkain ni ate binigay nalang sa mas nangangaylangan!.."

P10-M Pabuya sa Makakadiskubre ng Vaccine Laban sa COVID-19

Image
Nag-alok si Pangulong Rodrigo Duterte ng P10-milyong gantimpala para sa sinumang Pilipino na makakadiskubre ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), nitong Martes. “Inanunsyo po ng Pangulo na siya ay magbibigay ng pabuya na hanggang 10 milyong piso sa kahit sinong Pilipino na makakadiskubre ng vaccine laban sa COVID-19,” sinabi ni spox Harry Roque. . Magbibigay din si Duterte ng isang “substantial grant” sa University of the Philippines at Philippine General Hospital para sa pagbuo ng bakuna, sinabi ng opisyal ng Palasyo.