Posts

Showing posts from April 20, 2020

Amo, hinanap ang bahay ng kanyang empleyado para ibigay ang natitirang sahod at 13th month pay

Image
"Siya si Noel kung tawagin namin ay Bay. I hired him 2 years ago as utility man. Nakakamiss pag absent sya kasi makalat sa ground floor pag wala sya.  Since March 17, nung nag stop kami ng operations dahil sa ECQ ay hindi ko na sya nakita. Hindi nya nakuha ang sweldo nya at ngayon nag release kami ng advance 13th month pay hindi nya pa rin nakuha.  Medyo nag aalala ako kasi baka wala talaga siyang way na maka byahe kasi sa totoo lang ay taga probinsya sya at hindi sya sanay dito sa siudad at isa pa wala siyang celphone.  Nag decide ako hanapin ang bahay nya sa isang barangay sa San Pedro, Laguna at medyo malayo nga at liblib. Gamit ang aking angkas costume ay nahanap ko ang bahay nya.  Tuwang tuwa siya at siyempre ako din kasi nakita kong maayos naman pala ang kalagayan nya at naibigay ko personally ang sweldo + prorated 13th month nya. "Mga simpleng kasiyahan para saatin. Just want to inspire not to impress." Source: James Voltaire Carson

Mga manok na nakumpiska sa ilegal na tupada sa kusina ang punta

Image
Sa presinto ang bagsak ng mga sabungerong naaresto sa ilegal na tupada sa Valenzuela City sa kabila ng umiiral na enhanced community quarantine. Ang kanilang mga mamahaling manok naman, sa kusina ang punta. Sa Twitter post ni Mayor Rex Gatchalian, sinabing naaresto nitong weekend ang mga sabungero na tinawag niyang matitigas ang ulo. 1. Tupad raid this morning...titigas ng ulo niyo ah... pic.twitter.com/h1msRURdgU — Rex (@rex_gatchalian) April 12, 2020 Dinala ang mga naaresto sa presinto habang sa central kitchen naman ng lungsod ang diretso ng mga panabong na manok. "Idadagdag sa mga meals for tonights' operations...nothing will go to waste," sabi pa ni Gatchalian. Team Adobo or Team Tinola? Ano kaya plano ni kuya na cook??? So if mahal mo ang pangsabong mo, suggestion lang itago mo sa bakuran mo wag tumulad sa mga nagpatupada this morning.... Update on the finish dish in a while... pic.twitter.com/VkPZFAsZKx — Rex (@rex_gatchalian) April 12, 2020

Panawagan ng DILG sa mga Kapitan, Isa publiko ang Listahan ng mga SAP Beneficiaries

Image
Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga barangay officials sa bansa na i-post ang listahan ng mga beneficiaries sa mga public places tulad ng barangay hall. Layon nito na masiguro ang transparency sa pamamahagi ng social amelioration program (SAP) ngayong humaharap ang bansa at ang buong mundo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic. Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, napaka-importante na ihayag ang listahan para maliwanagan din aniya ang mga mamamayan at maintindihan na kailangang unahin ang pinakamahirap na pamilya na talagang walang-wala nang mapaghuhugutan sa gitna ng nararanasan ngayong krisis. Giit ni Año, ang intensyon din nito ay upang masiguro na kompleto at tama ang listahan ng mga barangay. Read Full Article

Mala Martial Law na Pag Aresto ng PNP, Sinimulan na!

Image
Nagsimula na ang Philippine National Police ng mala martial law na paghuli sa mga taong lalabag sa ipinapatupad na mga alituntunin ng Enhance Community Quarintine. Ito ay alin sunod sa ipinag uutos ng Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ng PNP nitong Lunes na hindi na nito bababalaan at direktang arestuhin ang mga mamamayan na lumalabag sa mga hakbang sa quarantine. At dapat ng ipatupad ng gobyerno ang isang “martial law-type” na pamamaraan. Ayon kay PNP Chief Gen. Archie Gamboa sa radyo DZMM, ang gusto ng pangulo ay kapag sinabing martial law ay dapat na bigyang-diin na talagang gagawa sila ng ilang pag-aresto. Sinabi pa nito na nagbigay na ng mga babala ang mga awtoridad sa humigit kumulang na 96,000 sa 130,000 na unang mga naaresto. Ito ay dahil sa paglabag nila sa quarantine. Ang mga una nilang naaresto dahil sa paglabag ay pinarusahan nila at pinauwi. Ito ay upang hindi tumambak ang mga lumalabag sa detainment facilities. Read Full

Magandang Balita! 41 Katao, Gumaling sa Coronavirus Ngayong Araw - Record High!

Image
COVID-19 update: 200 dagdag na kaso, 19 pa nasawi, 41 gumaling: DOH Base sa huling tala ng Department of Health, nadagdagan muli ng 200 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 kung saan umabot na sa kabuuang bilang na 6,459. Nadagdagan din ang bilang ng nakarekober ng 41 kaya unakyat na ito sa bilang na 613. Kasama sa mga nakarekober ay mga pasyenteng naitalang naka-confine at mga pasyenteng may positive, mild at asymtomatic cases na nakarekober naman mula sa self-isolation at home quarantine.

DILG Ipinag-utos na Ilagay sa mga Public Places ang Listahan ng mga SAP Beneficiaries

Image
Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga barangay officials sa bansa na i-post ang listahan ng mga beneficiaries sa mga public places tulad ng barangay hall. Layon nito na masiguro ang transparency sa pamamahagi ng social amelioration program (SAP) ngayong humaharap ang bansa at ang buong mundo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic. Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, napaka-importante na ihayag ang listahan para maliwanagan din aniya ang mga mamamayan at maintindihan na kailangang unahin ang pinakamahirap na pamilya na talagang walang-wala nang mapaghuhugutan sa gitna ng nararanasan ngayong krisis. Giit ni Año, ang intensyon din nito ay upang masiguro na kompleto at tama ang listahan ng mga barangay. Read Full Article