Posts

Showing posts from April 17, 2020

82 Katao Positibo sa Covid sa Isang Araw, Barangay sa Cebu City Lockdown

Image
Inutos ni Cebu City Mayor Edgardo Labella ang pag-lockdown sa buong Barrio Luz, isang barangay sa Cebu city, kasunod ng mabilis na pagtaas ng sakit na coronavirus 2019 (COVID-19) na kaso sa lugar. Itinigil narin ang COVID-19 mass testing sa Sitio Zapatera sa Barangay Luz, Cebu City dahil ‘pinagpalagay nang kontaminado’ ng Department of Health Central Visayas ang nasa 9,000 residente rito. Ito, matapos kumpirmadong nahawa sa new coronavirus ang ‘di bababa sa 80 katao sa sitio, kabilang ang 9-buwang gulang na twins. Karamihan sa kanila’y walang sintomas ng virus. “We have already deemed (Sitio Zapatera) as a contaminated place. And we will just monitor everyone who will be symptomatic and bring them to the facility,” hayag ni DOH Central Visayas director Jaime Bernadas sa isang virtual press conference kahapon. Nagpapatuloy aniya ang community transmission ng sakit sa sitio mula nang maitala ang una nitong COVID-19 positive patient, Abril 7. Mula sa nasabing petsa ay sinailali

Paano Sumali at Manalo ng P10K sa Wowowin-Tutok To Win

Image
Ang makapagbigay ng tulong lalo na sa mga nagigipit ngayong may enhanced community quarantine ang pangunahing layunin ni Kuya Wil sa paglulunsad niya ng programang "Tutok To Win." Kaya kahit nasa bahay lang, maaaring manalo ng P5,000 hanggang P10,000, o higit pa ang matatawagan. Panoorin at alamin kung papaano puwedeng sumali.

Babaeng balo na may anak at apo, Naiyak dahil hindi nakapasa sa interview ng DSWD

Image
Naiyak na lamang si Aling Marivic Dulce Collarin, matapos hindi  siya nakapasa sa interview ng Amelioration Program ng DSWD sa Barangay Pinagtipunan noong April 13. Ang nasabing babae ay isang ng balo, namayat na umano ito dahil halos wala ng makain at meron pa itong anak at Apo. Yung anak nya ay single parent at natigil ang hanapbuhay dahil sa lockdown at sila ay nangungupahan lang.