Posts

Showing posts from April 15, 2020

Duque Pinagre-Resign sa Palpak na Leadership sa COVID-19 Crisis

Image
Naghain ng resolusyon ang Senado na bumaba sa pwesto si Department of Health Secretary Francisco Duque III sa kabila ng hinaharap na COVID-19 crisis ng Pilipinas. Sa Senate P.S. Resolution No. 362 nanawagan si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III, kasama pa sina Senador Panfilo Lacson, Sonny Angara, Grace Poe, Ralph Recto, Miguel Zubiri, Ronald ‘Bato’ dela Rosa, Lito Lapid, Bong Revilla, Nancy Binay, Imee Marcos, Joel Villanueva, Sherwin Gatchalian, Manny Pacquiao at Francis Tolentino na matanggal bilang Kalihim ng Kalusugan si Duque. Ayon sa mga senador, may palyado umano ang leadership ni Duque sa kinaharap na pandemic ng bansa sa coronavirus disease, ilan pa sa mga dinahilan ng mga mambabatas ay lack of foresight, transparency, poor planning, delayed response at flip-flopping policy ukol sa aksyon sa COVID-19.

Libreng Kuryente sa Buwan ng March Hanggang April —IATF

Image
Libre na sa pagbabayad para sa buwan ng Marso-Abril ang mga mamamayan na kumukonsumo ng kuryente na 50 kilowatt per hour pababa o yaong tinatawag na “lifeline consumers”. Ayon kay Cabinet Secretary at Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases Spokesperson Karlo Nograles, ang libreng kuryente para sa mahihirap ay bukod pa sa isang buwang palugit sa pagbabayad ng kuryente sa mga electric cooperatives sa Luzon, Visayas at Mindanao na gagawin ring libre ang konsumo simula Marso hanggang Abril. Target aniya na matulungan ng pantawid-liwanag ang nasa 3-milyong mahihirap na customer ng mga electric cooperatives. Samantala, pinasalamatan naman ng kalihim ang National Electrification Administration at mga electric cooperatives sa kanilang ambag na tulong sa taumbayan.