Posts

Showing posts from March 7, 2020

Bulag na Lola, Nagsusumikap Pa rin Magtinda ng Sili at Gulay sa Divisoria

Image
Lolang bulag naghahanapbuhay parin sa Divisoria Kahit na bulag, nagtitinda pa rin ng sili at gulay ang isang matandang babaeng sa Divisoria sa Maynila. Kuwento ni Rhojanna Ronha Dizon na nag-upload ng viral na litrato. Hindi siya mahilig sa sili pero inaraw-araw na niya ang pagbili nito nang malamang bulag ang matandang tindera. Dahil sa kanyang kondisyon, hindi matukoy ni nanay kung magkano ang ibinabayad sa kanya ng kanyang mga kostomer. "Kinakapa niya 'yung plastic ng paglalagyan ng binili ko. Nang iabot ko 'yung bayad ko na Php 20.00, sabi niya, 'Ne, magkano itong bigay mo? May sukli pa ba ito," kuwento ni Rhojanna. Ayon kay Rhojanna, kasalukuyang nasa Juan Luna sa Divisoria ang matandang tindera. Panawagan niya sa ating mga Kapuso, tulungan si Nanay. Source: Rhojanna Ronha Dizon 

Pilipinas Bumili ng 16 Brand New Black Hawk Helicopters Para sa Philippine Air Force

Image
Tuloy-tuloy ang pagpapalawig at pagpapalakas ng pwersa ng Philippine Air Force. Ang unang sampu sa 16 na unit ng Black Hawk helicopter na para sa Philippine Air Force ay idedeliver na ngayon taong 2020. Sinabi ng hepe ng Air Force na si Lt. Gen. Rozzano Briguez sa mga reporters na ang unang sampung helicopters ay ihahatid na ngayon taon habang ang natitirang anim ay darating sa 2021. Ang labing-anim na Sikorsky S-70i Black Hawk helicopter ay nagkakahalaga ng P12 bilyon, pinalitan nito ang kinanselang kontrata ng 16 Bell 412EP helicopter mula sa Canada. Noong nakaraang taon, kinansela ni Pangulong Rodrigo Duterte ang deal na bumili ng mga battle utility helicopter mula sa Canada, na nagpahayag ng pagkabahala na maaaring magamit ang mga helikopter sa pag-atake sa counterinsurgency sa Pilipinas. Bagamat ang Lockheed Martin ay isang American defense company, ang mga helikopter na binili ng Philippine Air Force ay ginawa ng PZL Mielec ng Poland, ang pinakamalaking pasilidad

UPDATED WALANG PASOK: Class Suspensions for Monday, March 9, 2020

Image
Updated March 9, 2020 09:00pm  The Department Of Health (DOH) raised the alert level of the outbreak to Code Red sublevel 1 and recommended the declaration of State of Public Health Emergency to the Office of the President. Below are the class cancellations  Cities and municipalities as a precautionary measure against the possible spread of the novel coronavirus (COVID-19). Metro Manila  — all levels, public and private (until March 14) Lingayen, Pangasinan: all levels, public and private (March 10) Refresh this page for updates.