Posts

Showing posts from March 6, 2020

CODE RED: Empleyado ng Deloitte Philippines sa Taguig Nag-Positibo sa CoronaVirus

Image
Kinumpirma ng Taguig based na consultant at financial advisory firm na Deloitte Philippines noong Sabado, na ang isa sa mga empleyado nito na nasuri ay nag positibo sa bagong coronavirus disease (COVID-19). “We confirm that a colleague in our Deloitte Philippines office has tested positive for COVID-19,” pahayag ng Deloitte sa isang panayam. “The colleague is currently in hospital receiving treatment and further tests, and Deloitte is supporting the colleague and family in every way we can,” Dagdag ng  Deloitte Ang kumpanya ay nakabase sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City. Sinabi ni Taguig City Mayor Lino Cayetano noong Sabado na ang empleyado ng Deloitte Philippines na nag positibo sa COVID-19 ay hindi isang bagong kaso ngunit ito ay isa sa dalawang pinakabagong kaso na nauna nang nakumpirma ng Department of Health (DOH). "We confirm that the case mentioned in the Department of Health press conference on March 6, 2020 is that of the coronavirus (COVID-

Helicopter ng PNP, Sumabit sa Linya ng Kuryente Matapos Mag-Take-off Ayon sa Saksi

Image
Nitong Huwebes, Marso 5 nang  bumagsak ang helicopter na sinasakyan ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Archie Gamboa, kasama ang apat na pasahero at dalawang piloto nang sumabit ito sa kawad ng kuryente. Sobrang alikabok umano sa lugar kaya nag-zero visibility hanggang sa sumabit ito sa kawad ng kuryente dahil hindi nakalipad ng mataas bago tuluyang bumagsak. Agad sinugod sa ospital ang sugatang si Gamboa at anim na iba pa, kabilang ang kanyang aide at mga tauhan ng PNP communications group. Ayon sa PNP nasa maayos na kondisyon ang hepe ng PNP ang mga kasamahan nito. Sinabi naman ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na brand new ang helicopter na sinakyan ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Archie Gamboa. “Brand new ‘yan at tsaka twin engine ‘yan. ‘Yan ‘yung na-purchase namin during my time,” sabi ni Dela Rosa “Magandang klase ‘yan,” dagdag pa ng dating PNP chief. Dumaan umano sa bidding procedure ang pagbili sa naturang helicopter kung saan s