P2K Kada Buwan Allowance sa mga Housewife Isinusulong sa Senado

Isinusulong sa Senado ang isang panukalang naglalayong mabigyan ng buwanang sahod sa mga ilaw ng tahanan sa bansa. Sa House Bill 8875 na isinusulong ni Albay Rep. Joey Salceda, kinikilala ang ambag ng mga ilaw ng tahanan sa kanilang araw-araw na pag-aalaga sa kanilang mga asawa’t anak gayundin ang epekto nito sa ekonomiya. Nakasaad sa inihain niyang panukala na dapat ay may sahod din ang mga maybahay na nananatili lamang sa bahay at nag-aalaga ng kanilang mga anak at asawa. Sa ilalim ng panukala ni Salceda, bibigyan ng P2,000 sweldo ang mga nanay na may isang anak na may edad 12 pababa at makokonsiderang kabilang sa pinakamahihirap sa bansa ito ay magpapatuloy hanggang makaahon siya o lampas na sa 12 taon ang anak niya. Ang DSWD ang tutukoy sa kung sino ang karapat-dapat na mabigyan ng ayuda. Ayon sa mambabatas, aabot sa P35 bilyon ang kakailanganin ng programa na ang P32 bilyon ay mapupunta sa mga may asawang maybahay at tatlong bilyong piso naman ang sa mga ‘singl