Posts

Showing posts from March 3, 2020

Kim Chiu, Kasama sa 3 Sakay ng Van na Pinagbabaril sa QC

Image
Anim na beses na pinagbabaril ang van sakay ang aktres na si Kim Chiu sa Quezon City. Papunta si Kim sa isang taping kasama ang dalawa niyang kasamahan nang mangyari ang insidente sa Katipunan Avenue kanto ng CP Garcia Avenue, Brgy. UP Campus, Quezon City. Ayon sa driver ni Kim Chiu na si Wilfred Taperla, kalalabas lang nila ng subdivision sakay ng Hyundai H350 na kulay itim nang dikitan sila ng motorisklo na may lulang dalawang lalaki. Nakarinig daw muna sila ng mga putok ng baril sa likod ng kanilang sasakyan. Anya, hindi nila alam na sila na pala ang pinapaputukan ng gunman. Pawang nakasuot ng itim na jacket at helmet ang dalawa at saka pinagbabaril ang sasakyan. Mabilis tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Katipunan Wala naman nasaktan sa insidente, at agad dumiretso ang aktres sa taping matapos mangyari ang pamamaril. Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon sa naturang insidente.

Babae na Walang Pamasahe nag amok, Binasag ang Salamin ng Bus

Image
Trending ngayon sa social media ang video isang babae na nag amok dahil wala umano itong pamasahe at binasag ang dashboard ng bus. Makikita ang isang babae na parang tumatawa pa at may mga bato na ipinanghampas sa salamin. Panoorin ang video sa ibaba: