Depressed na Sekyu nang-hostage ng 30 katao sa Virra Mall Greenhills sa San Juan

Isang dating security guard ang nang-hostage ng 30 katao sa Virra mall sa Greenhills, San Juan Lunes Marso 2, 2020. Ayon sa suspek na kinilalang si Alchie Paray ang dahilan ng kangyang pangho-hostage ay ang umano'y korapsiyon sa kanilang opisina at hindi makatarungan na pagsibak sa kaniya sa trabaho. Hiniling ng suspek na mag-sorry sa kaniya ang mga dati niyang boss at pinagbibitiw ang mga ito sa mga puwesto. Matapos dinggin ng mga negosyador ang kaniyang mga hiling, sumuko at pinakawalan din ng hostage-taker ang kaniyang mga hostage.