Posts

Showing posts from February 26, 2020

Tindero ng Pares na hinoldap at binaril sa Maynila, Pumanaw na!

Image
Binawian na ng buhay ang tindero ng pares-mami na hinoldap at binaril noong nakaraang linggo sa Maynila, ayon sa kaniyang kapatid. Kinumpirma ni Sydney Bautista nitong Miyerkules na pumanaw ang kapatid niyang si Samson Bautista matapos sumailalim sa isang maselang operasyon sa Philippine General Hospital. Binaril sa leeg si Bautista ng suspek na si Alexander Ogdamina nang hindi ito pumayag na ibigay ang kaniyang bag na naglalaman daw ng pinaghirapan niyang pera noong nakaraang linggo. Nang maaresto ang suspek noong nakaraang Miyerkules, tila sinisi pa ang biktima sa nangyari at inamin nito na gumagamit siya ng iligal na droga. Naiuwi na ang mga labi ni Bautista sa Tiaong, Quezon. Naulila ng biktima ang kanyang asawa at tatlong anak.