6 Miyembro ng 4P’s Huli sa Aktong Nagsusugal, Inaresto!

Arestado ang anim na ginang sa Brgy. Annafunan, Tumauini, Isabela.matapos mahuli sa aktong pagsusugal ng tong-its. Ayon kay PMaj Eugene Mallillin, Hepe ng PNP Tumauini, nananatili pa rin sa kanilang kustodiya ang anim na suspek na sina Helen Zipagan, 36 anyos, may asawa; Judith Roriguez, 26 anyos, may asawa; Leticia Denguray, 50 anyos may asawa; Mary Jane Caliguiran , 27 anyos, may asawa; Vicky Canceran 52 anyos, may asawa at Elena Laman, 57 anyos, may asawa na pawang mga walang trabaho at residente ng Brgy. Annafunan, Tumauni, Isabela.. Ayon kay PMAJ. Eugenio Mallillin, Hepe ng PNP Tumauini, Beberipikahin lang sana nila ang kanilang natanggap na sumbong mula sa DSWD subalit nang sila’y makarating sa lugar ay naaktuhan na naglalaro ng ‘Tong-its’ at Pepito ang mga suspek. Napag alaman pa na miyembro ang anim na nahuli ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4ps sa lugar. Sinubukan pang tumakas ng mga nagsusugal subalit nadakip rin ang mga ito. Nabatid na halos araw-araw um