Posts

Showing posts from February 5, 2020

Chinese National Dinurahan ang isang Pinoy na Pulis

Image
Inaresto ang isang Chinese national na lumabag umano sa number coding sa lungsod ng Maynila. Ayon sa MTPB, pinara nila ang sasakyan ng Chinese sa bandang Binondo para sitahin. Ngunit hindi umano sila pinansin ng Chinese na drayber at pinaharurot pa nito ang sasakyan. Nakabangga pa ito ng ibang mga sasakyan at maging ang motorsiklo ng MTPB na humahabol sa kaniya. Nagsanib pwersa ang mga pulis para ma-corner ang SUV at nang buksan ang bintana ng sasakyan, nakita ang Chinese national na may babaeng pasahero. Sa unang imbestigasyon sa loob ng SUV, ilang maliliit na plastic sachet umano ng hinihinalang shabu ang nakita ng mga pulis.

Alert level 2 Nakataas sa Mayon Volcano

Image
May sumisilip na liwanag sa bunganga ng Bulkang Mayon kagabi. Ayon sa PHIVOLCS, crater glow 'yan at indikasyong may magma na unti-unting umaangat. Malimit din ang pagbuga nito ng puting usok. Pero wag umano tayo magpanic mga kababayan. #MayonVolcano crater glow observed at the summit. Photos taken on 4 Feb 2020, 7:00 PM at the Mayon Volcano Observatory, Ligñon Hill, Legazpi City. DOST-PHIVOLCS reiterates that Alert Level 2 currently prevails over #MayonVolcano because it is still at a moderate level of unrest. pic.twitter.com/iOcUmIbPmt — PHIVOLCS-DOST (@phivolcs_dost) February 5, 2020 Dahil nanatili lang ang alert level 2 na noong March 2018 pa nakataas. Ibig sabihin maaring palawigin sa 7 kilometers ang wages ng danger zone ng bulkan. Walang kailangan ilikas.