Posts

Showing posts from February 1, 2020

DOH Kinumpirma ang ikalawang kaso ng Coronavirus sa Bansa

Image
Kinumpirma ni DOH Secretary Francisco Duque III ngayong Linggo, Pebrero 2, ang ikalawang kaso ng 2019 novel coronavirus sa bansa. Sa isang press conference, sinabi ni Duque na pumanaw ang isang 44-anyos lalaki na Chinese. Nagpositibo rin ang biktima sa virus. Ang 44-anyos na lalaking Chinese ay galing Wuhan, China. Siya ang kauna-unahang nasawi sa nasabing sakit dito sa Pilipinas at unang kaso na may namatay dahil sa nCoV sa labas ng China. Sa ngayon, sinabi ni Duque na nakikipag-ugnayan na ang DOH sa embahada ng China para sa mga labi ng lalaking Chinese. Samantala, sinabi ni Duque na 24 na patients under investigation ang nag-negatibo sa coronavirus.

243 Coronavirus Patients Gumaling na!

Image
Isang magandang balita na maituturing ang paglabas ng 243 na mga pasyente sa Jinyintan Hospital na tinamaan ng kontrobersyal na 2019 novel coronavirus. Kinumpirma ito ng xinhuanet.com kung saan nagbahagi din sila ng video ng paglabas ng mga pasyente na masisigla na at animo'y walang bakas ng pagkakaroon ng nakamamatay na virus, Mismong ang National Health Commission (NHC) ng China ang nakasaksi sa paglabas ng 71 na pasyente na masaya nang makakabalik sa kani-kanilang pamilya. Siniguro naman ng mga ospital na maayos na talaga ang mga kalagayan ng pasyenteng ito sa pamamagitan ng mga lab test na isinasagawa sa mga pasyenteng tinamaan ng nCoV Samantala hindi pa rin inirerekomenda ng WHO na limitahan ang ang pagbiyahe at pakikipagkalakalan sa China base sa kasalukuyang impormasyon na hawak nila. Sa Pilipinas, iisa pa rin ang kumpirmadong kaso ng 2019 nCoV. Ito ay ang babaeng mula mismo sa Wuhan at bumaba sa Cebu.

Yorme Isko Napasabak sa Bawal Judgmental February 1, 2020

Image
Guest ngayong Sabado si Manila City Mayor Isko Moreno sa Bawal Judgmental ng Eat Bulaga. Ano kaya ang mga tanong kay Yorme? Simulan na ang pagkilatis kasama si Mayor Isko "Yorme" Moreno! Panoorin ang video sa ibaba