Posts

Showing posts from January 26, 2020

NBA Superstar Kobe Bryant, Patay sa helicopter crash

Image
Patay sa helicopter crash ang NBA Superstar na si Kobe Bryant, 13 anyos na babaeng anak nitong si Gianna Maria Onore at kasama ang pitong iba pa. Ayon sa report, pasado 10:01 a.m. sa Amerika, Enero 26, nang makita ng ilang mga indibidwal ang pagbagsak ng helicopter. Ayon sa sheriff ng Los Angeles, patay lahat ng lulan nitong pasahero at walang nakaligtas. Patungo sana  sa basketball game ni Gianna  sa Thousand Oak, California ang mag-amang Bryant ng magkaproblema ang sinasakyan nilang helicopter. Sa ngayon ay inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng pagbagsak ng sinasakyang helicopter ng basketball legend.